Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagkakaisa, Marso 18

    “Gayunma'y hindi lamang sila ang idinadalangin Ko, kundi sila rin naman na mga sumasampalataya sa Akin sa pamamagitan ng kanilang salita, upang silang lahat ay maging isa, Gaya Mo, Ama, na nasa Akin at Ako'y sa lyo, sana sila'y manatili sa Atin, upang ang sanlibutan ay sumampalataya na Ako'y sinugo Mo,” Juan 17:20,21,TKK 85.1

    Ang pagkakaroon ng pagkakasundo at pagkakaisa sa mga taong may iba't ibang ugali ang pinakamatinding patotoong maibibigay na isinugo nga ng Diyos ang Kanyang Anak sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. Pribilehiyo nating ibigay ang patotoong ito. Pero para magawa ito, kailangan nating ilagay ang ating sarili sa ilalim ng pamamahala ni Cristo. Dapat mahubog ang ating mga karakter nang ayon sa Kanyang karakter, at nakasuko ang ating mga kalooban sa Kanyang kalooban. Kung magkagayo'y sama-sama tayong gagawa nang walang iniisip na kontrahan.TKK 85.2

    Ang maliliit na kaibahang pinagtutuunang maigi ay humahantong sa mga kilos na nakasisira sa pagsasamahang Kristiyano. Huwag nating payagan ang kaaway na makalamang sa atin sa ganitong paraan. Gawin nating palapit nang palapit tayo sa Diyos at sa isa't isa. Kung gayo'y magiging gaya tayo ng mga puno ng katuwiran, na itinanim ng Panginoon, at tinutubigan ng ilog ng buhay. At anong dami ng ibubunga natin! Hindi ba't sinabi ni Cristo: “Sa pamamagitan nito'y naluluwalhati ang Aking Ama, na kayo'y magbunga ng marami, at maging mga alagad Ko” (Juan 15:8)?TKK 85.3

    Nakatuon ang puso ng Tagapagligtas sa pagtupad ng Kanyang mga tagasunod sa layunin ng Diyos sa buong taas at lalim nito. Sila'y dapat na maging iisa sa Kanya, kahit na sila'y nakakalat sa buong sanlibutan. Pero hindi sila magagawa ng Diyos na iisa kay Cristo malibang handa silang isuko ang sarili nilang pamamaraan para sa Kanyang pamamaraan.TKK 85.4

    Kapag lubos na pinaniwalaan ang panalangin ni Cristo, kapag ang turo nito ay nadala sa araw-araw na buhay ng bayan ng Diyos, makikita sa ating hanay ang pagkakaisa ng pagkilos. Mabubuklod ang kapatid sa kapatid ng mga ginintuang panali ng pag-ibig ni Cristo. Tanging ang Espiritu ng Diyos ang makapangyayari sa pagkakaisang ito. Siyang pinabanal ang Kanyang sarili ay kaya ring pabanalin ang Kanyang mga alagad. Palibhasa'y kaisa Niya, magiging kaisa din sila ng isa't isa sa kabanal-banalang pananampalataya (Judas 1:20). Kapag nagsumikap tayo para sa pagkakaisang ito ayon sa gusto ng Diyos na pagsusumikap natin para rito, ito'y mangyayari sa atin.— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 8, pp. 242,243.TKK 85.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents