Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Binigyang-buhay ang mga Tuyong Buto, Pebrero 6

    “At Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa inyo, at kayo'y mabubuhay, at Aking ilalagay kayo sa inyong sariling lupain, at inyong malalaman na Akong Panginoon ang nagsalita, at nagsagawa, sabi ng Panginoon,” Ezekiel 37:14,TKK 44.1

    Hindi ang instrumentong tao ang makapagdudulot ng buhay. Ang Panginoong Diyos ng Israel ang gagawa sa bahaging iyan, na binubuhay sa pagkilos ang patay na espiritwal na likas. Ang hininga ng Panginoon ng mga hukbo ay dapat pumasok sa mga katawang walang-buhay. Sa paghuhukom, kapag ibinunyag na ang lahat ng lihim, malalaman na nagsalita ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng kinatawang tao, at pinukaw ang tulog na konsensya, at kinilos ang mga walang-buhay na kakayahan, at inantig ang mga makasalanan sa pagsisisi at kalungkutan sa kasalanan at pagwaksi sa mga pagkakasala.TKK 44.2

    Sa gayo'y makikitang malinaw na sa pamamagitan ng instrumentong tao ay naibahagi sa kaluluwa ang pananampalataya kay Jesus, at naihinga ang espiritwal na buhay mula sa langit sa taong dati'y patay sa paglabag at sa mga kasalanan, at siya'y pinakilos ng espiritwal na buhay.TKK 44.3

    Pero hindi lamang sa sanlibutan maiaangkop ang paghahambing na ito sa mga tuyong buto, kundi sa kanila rin naman na pinagpala ng malaking liwanag; sapagkat katulad din sila ng mga kalansay sa lambak. Meron silang anyong tao, balangkas ng katawan; subalit wala silang espiritwal na buhay. Pero hindi iniiwan ng talinghaga na ang mga tuyong buto ay nagkadugtung-dugtong lang sa anyo ng mga tao; sapagkat hindi sapat na may magkakaparehas na paa't kamay at hitsura. Kailangang buhayin ng hininga ng buhay ang mga katawan, upang sila'y makatayo nang tuwid, at kumilos agad. Kumakatawan ang mga butong ito sa sambahayan ng Israel, ang iglesya ng Diyos, at ang pag-asa ng iglesya ay ang bumubuhay na impluwensya ng Banal na Espiritu. Dapat hingahan ng Panginoon ang mga tuyong buto, upang mabuhay ang mga ito.TKK 44.4

    Ang Espiritu ng Diyos, kasama ang bumubuhay na kapangyarihan nito, ay dapat nasa bawat ahensyang tao para ma-ehersisyo ang bawat espiritwal na kalamnan at litid. Kung wala ang Banal na Espiritu, kung wala ang hininga ng Diyos, may katamlayan ng konsensya, at pagkawala ng espiritwal na buhay.TKK 44.5

    Maraming taong walang espiritwal na buhay na nakasulat ang kanilang pangalan sa mga talaan ng iglesya, ngunit hindi sila nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Maaaring kaanib sila ng iglesya, pero hindi sila kasanib ng Panginoon. Maaaring masipag sila sa ilang hanay ng tungkulin, at maaaring ituring pa ngang mga taong buhay; pero marami ang kasama sa mga may “pangalang ikaw ay nabubuhay, ngunit ikaw ay patay” (Apoealipsis 3:1).— THE SDA BIBLE COMMENTARY, ELLEN G. WHITE COMMENTS, vol. 4, pp. 1165,1166.TKK 44.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents