Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagiging Maka-Diyos, Marso 27

    Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos; at hindi na siya natagpuan sapagkat siya'y kinuha ng Diyos, Genesis 5:24,TKK 94.1

    Bunga ng Cristiyanong karakter ang pagiging maka-Diyos. Kung nananatili tayo sa Puno ng ubas, magkakaroon tayo ng mga bunga ng Espiritu. Makikita ang buhay ng Puno ng ubas sa mga sanga. Kailangan nating magkaroon ng malapit at matalik na kaugnayan sa langit, kung tataglayin natin ang biyaya ng pagiging maka-Diyos. Dapat maging panauhin si Jesus sa ating mga tahanan, isang kaanib ng ating mga sambahayan, kung isasalamin natin ang Kanyang larawan at ipapakita na tayo'y mga anak na lalaki at babae ng Kataas-taasan.TKK 94.2

    Ang relihiyon ay isang magandang bagay sa tahanan. Kung nananahan ang Panginoon sa atin, madarama natin na tayo'y mga kaanib ng pamilya ni Cristo sa langit. Makikita natin na nakamasid sa atin ang mga anghel, at magiging malumanay at mapagparaya ang ating mga ugali. Maghahanda tayo para sa pagpasok sa mga bulwagan ng langit, sa pamamagitan ng paghubog ng kabutihang-loob at pagkamaka-Diyos. Magiging banal ang ating pakikipagusap, at ang ating mga pag-iisip ay matutuon sa mga makalangit na bagay.TKK 94.3

    Lumakad si Enoc kasama ng Diyos. Pinarangalan niya ang Diyos sa bawat gawain sa buhay. Sa kanyang tahanan at sa kanyang hanap-buhay ay itinanong niya, “Magiging katanggap-tanggap ba ito sa Panginoon?” At sa pamamagitan ng pag-alala sa Diyos, at pagsunod sa Kanyang payo, nabago ang kanyang karakter, at naging taong maka-Diyos, na ang mga daan ay nakalugod sa Panginoon. Hinihimok tayong dagdagan ang pagiging maka-Diyos ng pagmamahal sa kapatid (2 Pedro 1:7). O, talaga ngang kailangan nating gawin ang hakbang na ito, na idagdag ang katangiang ito sa ating mga karakter! Sa marami sa ating mga tahanan, ay may ipinapakitang matigas at palaban na espiritu. Ang mga mapamunang salita at pangit na pagkilos ay ayaw ng Diyos. Hindi katanggap-tanggap sa langit ang mga diktador na utos at mga mayayabang at dominanteng ugali. Ang dahilan kung bakit napakaraming hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kapatiran ay dahil nabigo silang idagdag ang pagmamahal sa kapatid. Dapat tayong magkaroon ng pagmamahal na iyon sa kapwa na taglay si Cristo para sa atin.TKK 94.4

    Ang isang tao ay kinakalkula ng Panginoon ng kalangitan sa tunay niyang kahalagahan. Kung hindi siya mabait sa tahanan niya dito sa lupa, hindi siya angkop para sa tahanan sa langit. Kung gusto niyang sariling kagustuhan ang nasusunod, sinuman ang pinapalungkot nito, hindi siya masisiyahan sa langit, malibang siya ay puwedeng maghari-harian doon. Kailangang kontrolin ng pagmamahal ni Cristo ang ating mga puso, at ang kapayapaan ng Diyos ay mananatili sa ating mga tahanan.— REVIEW AND HERALD, February 21,1888 .TKK 94.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents