Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    May-katigasang Tinatanggihan ang Espiritu, Enero 28

    “At ang sinumang magsabi ng isang salita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin maging sa panahong ito o sa daratingMateo 12:32,TKK 34.1

    Bago ito ay katatapos pa lamang gawin ni Jesus sa pangalawang pagkakataon ang himala ng pagpapagaling sa isang bulag at piping inaalihan ng masamang espiritu, at inulit ng mga Fariseo ang kanilang paratang na, “Nagpapalayas Siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo” (Mateo 9:34). Malinaw na sinabi sa kanila ni Cristo na sa pagpapalagay na gawa ni Satanas ang gawain ng Banal na Espiritu, inihihiwalay nila ang kanilang sarili sa bukal ng pagpapala. Yung mga nagsalita laban kay Jesus mismo, na hindi nakikita ang Kanyang banal na karakter, ay maaaring tumanggap pa ng kapatawaran; dahil sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay maaaring maipakita sa kanila ang kanilang pagkakamali at magsisi. Anuman ang kasalanan, kapag nagsisi at nanampalataya ang kaluluwa, nalilinis ang paglabag sa dugo ni Cristo; pero siyang tumatanggi sa paggawa ng Banal na Espiritu ay inilalagay ang kanyang sarili sa lugar na hindi siya malapitan ng pagsisisi at pananampalataya.TKK 34.2

    Gumagawa ang Diyos sa puso sa pamamagitan ng Espiritu; kapag may- katigasang tinatanggihan ng mga tao ang Espiritu, at sinasabing Siya'y galing kay Satanas, pinuputol nila ang daluyan na sa pamamagitan nito'y nakikipag- usap ang Diyos sa kanila. Kapag sa wakas ay tinanggihan ang Espiritu, wala nang magagawa ang Diyos para sa kaluluwa....TKK 34.3

    Hindi ang Diyos ang bumubulag sa mga mata ng mga tao o nagpapatigas sa kanilang mga puso. Nagpapadala Siya ng liwanag upang itama ang kanilang mga pagkakamali, at pangunahan sila sa mga ligtas na landas. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa liwanag na ito nabubulag ang mga mata at napapatigas ang puso. Madalas na unti-unti ang proseso, at halos hindi namamalayan. Dumarating ang liwanag sa kaluluwa sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang mga lingkod, o sa pamamagitan ng direktang ahensya ng Kanyang Espiritu; pero kapag binale-wala ang isang sinag ng liwanag, nagkakaroon ng bahagyang pamamanhid ng mga espiritwal na pandama, at ang pangalawang paglalahad ng liwanag ay hindi na mas malinaw na nakikita. Kaya't nadaragdagan ang kadiliman, hanggang sa maging gabi na sa kaluluwa. Ganon ang nangyari sa mga pinunong Judiong ito. Kumbinsido sila na nakay Cristo ang isang banal na kapangyarihan, pero para labanan ang katotohanan, iniukol nila ang gawain ng Banal na Espiritu kay Satanas. Sa paggawa nito ay sadya nilang pinili ang pagkadaya; isinuko nila ang kanilang sarili kay Satanas, at mula noo'y kontrolado na sila ng kanyang kapangyarihan.— THE DESIRE of AGES, pp. 321-323.TKK 34.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents