Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagiging Kagaya ni Cristo, Marso 31

    Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Diyos at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo, Nalalaman natin na kung Siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad Niya, sapagkat Siya'y ating makikita bilang Siya, 1 Juan 3:2,TKK 98.1

    Malapit nang dumating si Cristo sa mga ulap ng langit, at dapat tayong maging handang salubungin Siya, nang walang batik o kulubot o anumang gayong bagay (Efeso 5:27). Kailangan natin ngayong tanggapin ang paanyaya ni Cristo. Sabi Niya, “Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan Ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at matuto kayo sa Akin; sapagkat Ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa” (Mateo 11:28, 29). Ang mga sinabi ni Cristo kay Nieodemo ay may praktikal na kahalagahan sa atin ngayon: “Malibang ang isang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang ipinanganak ng laman ay laman nga at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu. Huwag kang magtaka na Aking sinabi sa iyo, ‘Kailangang kayo'y ipanganak na muli’ Humihihip ang hangin kung saan nito ibig at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo nalalaman kung saan ito nanggagaling at kung saan tutungo. Ganon ang bawat isang ipinapanganak ng Espiritu” (Juan 3:5-8).TKK 98.2

    Ang humihikayat na kapangyarihan ng Diyos ay dapat nasa ating mga puso. Kailangan nating pag-aralan ang buhay ni Cristo, at gayahin ang banal na Huwaran. Dapat nating pagtuunan ang kasakdalan ng Kanyang karakter, at mabago sa Kanyang larawan. Walang makapapasok sa kaharian ng Diyos malibang masupil ang kanyang mga bugso ng damdamin, malibang madala ang kanyang kalooban sa pagkabihag sa kalooban ni Cristo.TKK 98.3

    Malaya mula sa lahat ng kasalanan ang kalangitan, mula sa lahat ng dungis at karumihan; at kung gusto nating mamuhay sa kapaligiran nito, kung gusto nating makita ang kaluwalhatian ni Cristo, kailangan nating maging malinis ang puso, at sakdal ang karakter sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at katuwiran. Hindi tayo dapat mawili sa mga kalayawan at libangan, kundi naghahanda para sa mga maluwalhating mansyon na ipinaroon ni Cristo upang ihanda para sa atin. Kung tayo'y tapat, na nagsisikap na pagpalain ang iba, matiyaga sa paggawa ng mabuti, puputungan tayo ni Cristo sa Kanyang pagdating ng kaluwalhatian, karangalan, at kawalang-kamatayan.— REVIEW AND HERALD, April 28,1891.TKK 98.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents