Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Inaasahan ang Dakilang mga Bagay, Oktubre 21

    Ngayon ay aming tinanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritung mula sa Diyos, upang aming malaman ang mga bagay na walang bayad na ibinigay sa amin ng Diyos, 1 Corinto 2:12,TKK 309.1

    Hindi dahil sa kahit anumang paghihigpit sa bahagi ng Diyos na ang kayamanan ng Kanyang biyaya ay hindi dumadaloy sa mga tao. Ang Kanyang kaloob ay banal. Nagbigay siya nang may kalayaang hindi pinahahalagahan ng tao dahil hindi nila gustong tumanggap. Kung handang tumanggap ang lahat, mapupuspos ng Espiritu ang ilaw. Sa pamamagitan ng pananatiling kontento sa maliliit na pagpapala, inaalisan natin ng karapatan ang ating sarili sa pagtanggap ng Espiritu sa . . . walang limitasyong kapuspusan. Madali tayong masiyahan sa maliit na alon sa ibabaw, kahit ating pribilehiyong asahan ang malalim na pagkilos ng Espiritu ng Diyos. Umaasa nang kaunti, tumatanggap tayo ng kaunti.TKK 309.2

    Dapat matanto ng lahat ang pangangailangan ng paggawa ng Banal na Espiritu. Maliban kung tinanggap at pinahalagahan bilang kinatawan ni Cristo ang Espiritung ito, na ang gawain ay baguhin at pakabanalin ang buong pagkatao, mawawalan ng kapangyarihan sa isipan ang mahalagang mga katotohanang ipinagkatiwala sa mga tao. Hindi sapat sa ating magkaroon ng kaalaman sa katotohanan. Tayo ay dapat lumakad at gumawa sa pag-ibig, na inaayon ang ating kalooban sa kalooban ng Diyos. Sa mga gumagawa nito, inihahayag ng Panginoon, “Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso” (Hebreo 8:10). Ang Diyos ang makapangyarihang ahensya sa gawaing ito ng pagababago. Sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu isinusulat Niya ang Kanyang kautusan sa puso.TKK 309.3

    Sa gayon ang banal na relasyon ay nagpanumbalik sa pagitan ng Diyos at tao. “Ako'y magiging Diyos ninyo,” sabi Niya, “at sila'y magiging aking bayan” (tingnan ang Exodo 6:7; Jeremias 31:33). “Walang katangian ng Aking likas ang hindi Ko malayang ibibigay upang maihayag ng tao ang Aking larawan.” Kapag pinahintulutan natin ang Diyos na gawin ang Kanyang kalooban sa atin, hindi tayo magkikimkim ng kasalanan. Sa hurnong nagdadalisay ang lahat ng dumi ay tutupukin.TKK 309.4

    Nang bumaba ang Banal na Espiritu sa araw ng Penteeostes, tulad ito ng isang rumaragasa at malakas na hangin. Ang Espiritu ay hindi ipinagkaloob na may tipid na sukat; sapagkat pinuno Niya ang buong lugar kung saan umuupo ang mga alagad. Kaya ipagkakaloob din ito sa atin kapag ang ating mga puso ay handang tanggapin Siya.— REVIEW AND HERALD, June 10,1902 .TKK 309.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents