Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Laging Naghihintay ang Espiritu, Enero 31

    “Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng Aking sinabi sa inyo,” Juan 14:26,TKK 37.1

    Laging naghihintay ang Banal na Espiritu na gawin ang Kanyang tungkulin sa puso ng tao. Maaaring ilagay nung mga gustong matuto ang kanilang sarili sa malapit na ugnayan sa Diyos, at matutupad ang pangakong ituturo sa kanila ng Mang-aaliw ang lahat ng mga bagay, at ipapaalala ang lahat sa kanila, anumang sinabi ni Cristo sa Kanyang mga alagad noong nasa lupa pa Siya. Pero kung hihiwalay tayo sa Diyos, hindi na tayo magiging mag-aaral sa paaralan ni Cristo. Pagkatapos ay hindi na tayo makadarama ng espesyal na pasanin para sa mga kaluluwang ikinamatay ni Cristo.TKK 37.2

    Pinakamahirap para sa mga alagad ni Cristo na panatilihing naiiba ang Kanyang mga aral sa mga tradisyon at kasabihan ng mga rabi, eskriba, at Fariseo. Ang mga katuruang ito na itinuro sa mga alagad na kilalanin bilang tinig ng Diyos ay may kapangyarihan sa kanilang mga isipan at hinubog ang kanilang mga damdamin. Hindi magiging buhay at nagliliwanag na ilawan ang mga alagad hanggang sa mapalaya sila sa impluwensiya ng mga kasabihan at kautusan ng mga tao, at maikintal nang malalim sa kanilang mga isipa't puso ang mga salita ni Cristo bilang namumukod na katotohanan, na kasinghalaga ng mga hiyas para pahalagahan, mahalin, at isagawa.TKK 37.3

    Naparito si Jesus sa sanlibutan, namuhay ng isang banal na buhay, at namatay, para iwan sa iglesya ang Kanyang pamana sa mahahalagang kayamanang ipinagkatiwala Niya sa kanila. Ginawa Niyang sisidlan ang Kanyang mga alagad ng pinakamahahalagang doktrina, upang ilagay sa mga kamay ng Kanyang iglesya na walang-halong kamalian at tradisyon ng mga tao. Inihayag Niya ang Kanyang sarili sa kanila bilang Ilaw ng sanlibutan, ang Araw ng Katuwiran. At ipinangako Niya sa kanila ang Mang-aaliw, ang Banal na Espiritu, na ipapadala ng Ama sa Kanyang pangalan.— SIGNS of THE TIMES, November 16,1891.TKK 37.4

    “Hindi Ko kayo iiwang nag-iisa, Ako'y darating sa inyo” (Juan 14:18). Ang Banal na Espiritu na ipinangakong ipapadala ng Manunubos ng sanlibutan ay siyang presensiya at kapangyarihan ng Diyos. Hindi Niya iiwanan ang Kanyang bayan sa sanlibutan na salat sa Kanyang biyaya, para salpuk-salpukin ng kaaway ng Diyos, at harasin ng pagpapahirap ng sanlibutan; kundi daratingSiya sa kanila.— SIGNS of THE TIMES, November 23,1891.TKK 37.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents