Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tagumpay sa Pamamagitan ni Cristo, Disyembre 25

    Kaya, yamang ang mga anak ay nakibahagi sa laman at dugo, at siya man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, samakatuwid ay ang diyablo, at mapalaya silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan sa buong buhay nila ay nasa ilalim ng pagkaalipin, Hebreo 2:14,15.TKK 376.1

    Ang pagkahulog ng tao ay nagpuno sa buong langit ng kalungkutan, at nakilos ng walang hanggang kaawaan ang puso ni Jesus para sa nawaglit na sanlibutan, ang nawasak na lahi. Napagmasdan Niya ang tao na nalubog sa kasalanan at kahirapan, at nalalamang wala siyang moral na kakayahan para magtagumpay sa sarili lamang niya laban sa kapangyarihan ng hindi natutulog na kaaway. Sa banal na pag-ibig at pagkaawa ay naparito Siya sa mundo para ipaglaban ang ating mga laban para sa atin; sapagkat Siya lamang ang makapagtatagumpay sa kaaway. Naparito Siya para ipagkaisa ang tao sa Diyos, para magbigay ng banal na kalakasan sa nagsisising kaluluwa, at mula sa sabsaban hanggang sa kalbaryo para daanan ang landas na dapat tahakin ng tao, sa bawat hakbang ay binibigyan tayo ng sakdal na halimbawa na dapat nating gawin, na ipinakikita sa Kanyang karakter kung magiging ano ang sangkatauhan kapag nakipagkaisa sa Diyos.TKK 376.2

    Ngunit marami ang nagsasabi na si Jesus ay hindi gaya natin, na Siya ay hindi kung ano tayo sa sanlibutan, na Siya ay Diyos, kung kaya't hindi tayo makapagtatagumpay kung paanong nagtagumpay Siya. Ngunit hindi ito totoo; “sapagkat maliwanag na hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan; kundi ang kabilang sa binhi ni Abraham. . . . Palibhasa'y nagtiis siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinkuso” (Hebreo 2:16-18). Alam ni Cristo ang mga pagsubok ng mga makasalanan; alam Niya ang kanilang mga tukso. Kinuha Niya sa ating sarili ang ating likas; Siya'y sinubok sa lahat ng punto na gaya natin. Siya ay lumuha, Siya ay isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan.TKK 376.3

    Bilang tao nabuhay Siya sa sanlibutan. Bilang tao ay umakyat Siya sa langit. Bilang tao Siya ang kahalili ng sangkatauhan. Bilang tao Siya'y nabubuhay para mamagitan para sa atin. Bilang tao ay muling magbabalik Siya taglay ang makaharing kapangyarihan at kaluwalhatian para tanggapin yaong mga umiibig sa Kanya, na para sa kanila Siya'y naghahanda ng lugar. Dapat tayong magsaya at magbigay pasasalamat na ang Diyos ay “itinakda niya ang isang araw kung kailan niya hahatulan ang sanlibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kanyang itinalaga” (Mga Gawa 17:31).— BIBLE ECHO, November 1,1892, par. 6 .TKK 376.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents