Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Napalakas ang mga Mahihinang Kaluluwa, Pebrero 7

    Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mamuhay ayon sa laman; sapagkat kung mamuhay kayo ayon sa laman, kayo ay mamamatay, subalit kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, kayo ay mabubuhay, Roma 8:12,13,TKK 45.1

    Hindi limitado ang pangako ng Banal na Espiritu sa anumang edad o anumang lahi. Sinabi ni Cristo na mapapasa-Kanyang mga tagasunod ang banal na impluwensya ng Kanyang Espiritu hanggang sa wakas. Mula sa araw ng Penteeostes hanggang sa kasalukuyan, ipinadadala ang Mang-aaliw sa lahat ng lubusang nagsuko ng kanilang sarili sa Panginoon at sa paglilingkod sa Kanya. Sa lahat ng tumanggap kay Cristo bilang personal na Tagapagligtas, dumating ang Banal na Espiritu bilang tagapayo, tagabanal, gabay, at saksi.TKK 45.2

    Kung mas malapit na lumakad ang mga mananampalataya kasama ng Diyos, mas malinaw at makapangyarihan din silang nagpatotoo sa pagmamahal ng kanilang Manunubos at sa Kanyang nagliligtas na biyaya. Ang mga lalaki't babae na sa paglipas ng matatagal na dantaon ng pag-uusig at pagsubok ay nagtamasa ng malaking sukat ng presensiya ng Espiritu sa kanilang mga buhay ay tumayo bilang mga tanda't kababalaghan sa sanlibutan. Sa harapan ng mga anghel at ng mga tao, ipinahayag nila ang bumabagong kapangyarihan ng tumutubos na pag-ibig.TKK 45.3

    Yung mga pinagkalooban ng kapangyarihan mula sa itaas noong Penteeostes ay hindi napalaya mula sa mga tukso at pagsubok nang dahil dito. Habang sila'y sumasaksi sa katotohanan at katuwiran, paulit-ulit silang sinalakay ng kaaway ng lahat ng katotohanan, na nagsisikap na agawin sa kanila ang kanilang karanasang Kristiyano. Napilitan silang makipaglaban gamit ang lahat ng kapangyarihang bigay ng Diyos para maabot ang sukat ng ganap na kapuspusan ng mga lalaki't babae kay Cristo Jesus. Araw-araw silang nanalangin para sa sariwang tustos ng biyaya, para pataas nang pataas ang maabot nila hanggang sa kasakdalan. Sa ilalim ng paggawa ng Banal na Espiritu, maging ang pinakamahina, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, ay natutong pagbutihin ang mga kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila at maging banal, malinis, at marangal. Habang sa pagpapakumbaba ay nagpapasakop sila sa humuhubog na impluwensya ng Banal na Espiritu, natanggap nila ang kapuspusan ng Kadiyosan at nahubog sa larawan ng Diyos.— THE ACTS OF THE APOSTLES, pp. 49, 50 .TKK 45.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents