Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Instrumento Para sa Pagliligtas ng mga Kaluluwa, Hunyo 9

    Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpalago. Kaya't walang anuman ang nagtatanim, o ang nagdidilig, kundi ang Diyos na nagpapalago, 1 Corinto 3:6, 7,TKK 171.1

    Narito ang mga malakas na kapangyarihan para kilusin ang sanlibutan. Pinapasuko ng krus ng Kalbaryo ang bawat kapangyarihan nilang nananampalataya kay Cristo, upang sila'y maging mga instrumento para sa pagliligtas ng mga kaluluwa. Kailangang maisama ang pagsisikap ng tao sa Diyos; kailangang kunin nito ang kagalingan mula sa langit. Kailangan tayong maging mga kamanggagawa ng Diyos. Inilalahad ang Panginoon bilang isa na nagbubukas ng mga puso ng mga lalaki at babae upang tanggapin ang Salita, at ginagawang mabisa ng Banal na Espiritu ang Salita.TKK 171.2

    Silang tumatanggap ng katotohanan ay mayroong pananampalataya na humahantong sa tiyak na pagkilos, na gumagawa sa pamamagitan ng pag- ibig, at dinadalisay ang kaluluwa. Sa ganitong paraan naging tagapagbanal ang katotohanan. Nakikita sa karakter ang nakapagbabagong kapangyarihan nito. Kapag tinanggap ito sa panloob na santuwaryo ng kaluluwa, hindi ito kumikilos sa paraang mababaw, na iniiwanang hindi nabago ang puso; hindi lamang nito ginigising ang mga emosyon na pinapabayaan ang kapangyarihang humatol at ang kalooban; bagkus ito'y bumababa sa pinakakaibuturan ng likas, at dinadala ang buong pagkatao sa magkatugmang pagkilos.TKK 171.3

    Ngayo'y nagsisimula ang gawain niyang tunay na nahikayat. Kailangan siyang gumawa kung paanong gumawa si Cristo. Hindi na siya dapat mabuhay para sa sarili lamang, kundi ganap na para sa Panginoon. Nawala na siya sa sanlibutan; sapagkat nakatago ang kanyang buhay kay Cristo sa Diyos. Ibig sabihin noo'y wala nang paghahari ang sarili. Hinahawakan siya ng liwanag na nagniningning mula sa krus ng Kalbaryo sa makinang nitong mga sinag, at kinukuha ng Espiritu ang mga bagay na kay Cristo, at inihahayag sila sa kanya sa paraang nakakahalina upang magkaroon ng epektong nakapagpapanibago sa mga nakasanayan at gawi, na ipinapakita na siya'y isang bagong nilalang kay Cristo Jesus. Itinuturing niya na ang bawat dolyar ay may halaga, hindi upang pasiyahin ang kanyang panlasa o pagnanasa, hindi upang itago ito sa lupa, kundi upang makagawa ng mabuti gamit ito, upang makatulong na magkamit ng mga kaluluwa para sa katotohanan, upang itayo ang kaharian ni Cristo. Ang kanyang kasiyahan ay katulad ng kay Cristo—ang makitang naliligtas ang mga kaluluwa. Bakit napakakaunti ng ating ginagawa para sa kaligtasan ng mga tao, samantalang napakaraming kailangang gawin? Bakit napakakaunti ng ating ginagawa upang palapitin ang mga lalaki at babae kay Cristo?— REVIEW AND HERALD, October 6,1891.TKK 171.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents