Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Tagapanguna: Panawagang Magtalaga, Agosto 10

    “Ngayon kung ayaw ninyong maglingkod sa PANGINOON, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa kabila ng Ilog, o ang mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain nila ay inyong tinitirahan; ngunit sa ganang akin at sa aking sambahayan, kami ay maglilingkod sa PANGINOON” Josue 24:15.TKK 235.1

    Nakakaramdam ako ng espesyal na pagkawili sa mga pagkilos at mga desisyon na gagawin sa komperensyang ito (ang 1901 na sesyon ng General Conference) na may kinalaman sa mga bagay na dapat ginawa na maraming taon na ang nakaraan, at lalo na sampung taon na ang nakaraan, nang nagtipon kami para sa komperensya, at ang Espiritu at ang kapangyarihan ng Diyos ay dumating sa ating pagpupulong, nagpapatotoong handang gumawa ang Diyos para sa mga taong ito kung sila ay darating sa maayos na paggawa. . . .TKK 235.2

    Ang liwanag nood na ibinigay sa akin ay na dapat tumayong mas mataas ang bayang ito kaysa ibang mga tao sa ibabaw ng buong lupa, na dapat silang maging tapat na bayan, isang bayang kumakatawan ng tama sa katotohanan. Ang nagpapabanal na kapangyarihan ng katotohanan, na nahayag sa kanilang mga buhay, ay magpapakilala ng kanilang kaibahan sa sanlibutan. Sila'y dapat tumayong may moral na dignidad, taglay ang gayong malapit na ugnayan sa langit na ang Panginoong Diyos ng Israel ay mabibigyan sila ng lugar sa lupa.TKK 235.3

    Bawat taon ay gayon din na pagkilala ang ginagawa, ngunit ang prinsipyong nag-aangat sa bayan ay hindi nakahabi sa gawain. Binigyan sila ng Diyos ng malinaw na liwanag sa kung ano ang kanilang gagawin, at kung ano ang hindi nila gagawin, ngunit humiwalay sila sa liwanag na iyon, at nakapagtataka iyon sa akin na natindig tayo sa lubos na kaunlaran na mayroon tayo ngayon. Iyon ay dahil sa malaking kaawaan ng Diyos, hindi dahil sa ating katuwiran, sa halip ay upang ang Kanyang pangalan ay hindi ilagay sa kahihiyan sa sanlibutan. . . .TKK 235.4

    Dapat nating maging gabay ang Salita ng Diyos. Iyo bang sinunod ang Salita? Ang mga Patotoo ay hindi sa anumang paraan aagaw ng lugar ng Salita. Ang mga ito ay magdadala sa iyo sa napabayaang Salita, upang iyong makain ang mga salita ni Cristo, upang ika'y makakain sa mga ito, upang sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya ika'y mapatibay mula sa iyong kinakain. Kung mabubuhay ka sa pagsunod kay Cristo at sa Kanyang Salita, kumakain ka ng dahon ng punongkahoy ng buhay, na ito ay para sa kagalingan ng mga bansa.— THE GENERAL CONFERENCE BULLETIN, April 3,1901.TKK 235.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents