Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos, Abril 16

    “O, mahal na mahal ko ang lyong kautusan! Ito'y siya kong binubulaybulay sa buong araw.” Awit 119:97.TKK 115.1

    Hindi kailangan ng mga tao ang madilim na liwanag ng tradisyon at kaugalian upang maunawaan ang Kasulatan. Katulad lang ito ng pag-iisip na kailangan ng araw, na nagniningning sa langit sa tanghali, ng liwanag mula sa mga sulo sa lupa upang madagdagan ang kaluwalhatian nito. Sa Biblia, malinaw na ipinapakita ang bawat tungkulin, mauunawaan ang bawat aral. Ipinapakita sa atin ng kaloob ni Cristo at ng pagbibigay liwanag ng Banal na Espiritu ang Ama. Magagawa ng Salita ang mga lalaki at babae na matalino tungo sa kaligtasan.TKK 115.2

    “Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (2 Timoteo 3:16, 17). Walang ibang aklat na may katulad na kapangyarihan na makapagpapaangat sa mga pag-iisip, makapagbibigay-buhay sa mga kakayahan, kaysa sa mga malalawak at nagbibigay-karangalang katotohanan ng Biblia. Kung pag-aaralan ang Salita ng Diyos gaya ng kinakailangan, magkakaroon ang mga tao ng lawak ng pag-iisip, karangalan ng karakter, at katatagan ng layunin na madalang makita sa mga panahong ito. Kaunti ang pakinabang na mapapala sa madaliang pagbabasa ng Kasulatan. Maaaring basahin ang buong Biblia at mabigo pa ring makita ang kagandahan nito o maunawaan ang lalim ng kahulugan nito. May higit na halaga ang pagaaral ng isang talata hanggang sa maging malinaw sa pag-iisip ang kahulugan nito at ang kaugnayan nito sa panukala ng kaligtasan kaysa sa pagbabasa ng maraming mga kabanata na walang layunin at walang nakamit na mabuting payo. Palagi ninyong ilagay ang inyong Biblia sa inyong tabi. Kapag may pagkakataon, basahin ninyo ito; kabisaduhin ang mga talata. Kahit na kayo'y naglalakad sa kalsada, maaari kayong bumasa ng isang talata at magbulay-bulay rito, at sa pamamagitan nito'y mailalagay ninyo ito sa inyong pag-iisip.TKK 115.3

    Hindi dapat pag-aralan ang Biblia na walang panalangin. Bago buksan ang mga pahina nito, kailangan nating humingi ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, at ito'y ibibigay. Noong lumapit si Nathanael kay Jesus, binigkas ng Tagapagligtas, “Narito ang isang tunay na Israelita na sa kanya'y walang pandaraya!” (Juan 1:47). Sinabi ni Nathanael, ” ‘Paano mo ako nakilala?’ Si Jesus ay sumagot, ‘Bago ka tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos ay nakita kita’ ” (talatang 48). At makikita rin tayo ni Jesus sa lihim na lugar ng panalangin, kung hahanapin natin Siya para sa liwanag, upang ating matutuhan kung ano ang katotohanan. Makakasama nilang mapagpakumbabang naghahanap ng banal na gabay ang mga anghel mula sa mundo ng kaliwanagan.— ATLANTIC UNION GLEANER, June 9,1909, par. 8. TKK 115.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents