Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nababago ang mga Hilig, Pebrero 14

    Alisin ninyo ang dating paraan ng inyong pamumuhay, ang dating pagkatao na pinasama sa pamamagitan ng mapandayang pagnanasa. Efeso 4:22.TKK 52.1

    Sinasabi ni Juan na, “Ang Ilaw”— na si Cristo—“ay lumiliwanag sa kadiliman,” ibig sabihi'y sa sanlibutan, “gayunma'y hindi Siya nakilala ng sanlibutan. . . . Subalit ang lahat ng tumanggap sa Kanya na sumasampalataya sa Kanyang pangalan ay Kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos, na ipinanganak hindi sa dugo, o sa kalooban ng laman, o sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos” (Juan 1:5-13). Ang dahilan kung bakit hindi maliligtas ang sanlibutang hindi naniniwala ay dahil hindi nila pinipiling maliwanagan. Ang lumang likas, na ipinanganak sa dugo at sa kalooban ng laman, ay hindi maaaring magmana ng kaharian ng Diyos. Ang mga lumang paraan, ang mga namanang hilig, ang mga dating nakagawian, ay dapat talikuran; sapagkat ang biyaya ay hindi namamana. Ang bagong kapanganakan ay binubuo ng pagkakaroon ng mga bagong motibo, bagong panlasa, at bagong hilig.TKK 52.2

    Ang mga ipinanganak sa isang bagong buhay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay naging mga kabahagi ng banal na likas, at sa lahat ng kanilang mga gawi at pamumuhay ay magbibigay sila ng katibayan ng kanilang relasyon kay Cristo. Kapag nananatili ang lahat ng likas na depekto ng karakter at pag-uugali sa mga taong nagsasabing sila'y Kristiyano, paano sila naiiba sa mga makasanlibutan? Hindi nila pinahahalagahan ang katotohanan bilang tagapagpabanal, isang tagapino. Hindi sila naipanganak na muli. . . .TKK 52.3

    Huwag madama ninumang hindi na kailangang baguhin ang kanilang mga paraan. Ang mga nagpapasya nang ganyan ay hindi angkop na masangkot sa gawain ng Diyos, sapagkat hindi nila mararamdaman ang pangangailangan na laging sumulong sa mas mataas na pamantayan, na gumagawa ng tuluy-tuloy na pag-igi. Walang makalalakad nang ligtas malibang sila'y hindi nagtitiwala sa sarili, at palaging nakatingin sa gawain ng Diyos, na pinag-aaralan ito nang may pusong nakahandang makita ang sarili nilang mga pagkakamali, at malaman ang kalooban ni Cristo, na nananalanging nawa'y maisagawa nila ito, sa kanila at sa pamamagitan nila. Ipinapakita nila na ang kanilang pagtitiwala ay wala sa kanilang sarili, kundi nakay Cristo. Pinanghahawakan nila ang katotohanan bilang sagradong kayamanan, na kayang magpabanal at magpapino, at palagi silang nagsisikap na iayon ang kanilang mga salita at pamamaraan sa mga prinsipyo nito. Natatakot sila't nanginginig na baka may isang bagay na may-halo ng sarili ang maging diyus-diyosan, at sa gayo'y kumalat pa ang mga depekto nila sa ibang mga taong nagtitiwala sa kanila. Lagi silang nagsisikap na supilin ang sarili, alisin ang lahat ng bagay na may-halo nito, at palitan ito ng kaamuan at pagpapakumbaba ni Cristo. Nakatingin sila kay Jesus, lumalago sa Kanya, nagtitipon mula sa Kanya ng liwanag at biyaya, upang maikalat din nila ito sa iba.— REVIEW AND HERALD, April 12,1892.TKK 52.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents