Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Namamagitan ang Espiritu Para sa Atin, Enero 19

    Ngunit ang Diyos na sumisiyasat ng mga puso ay nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagkat Siya ang namamagitan dahil sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos, Roma 8:27,TKK 25.1

    Iisa lang ang daan upang tayo'y makalapit sa Diyos. Makararating lamang sa Kanya ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng iisang pangalan— sa Panginoong Jesus na ating Tagapamagitan. Dapat kasihan ng Kanyang Espiritu ang ating mga pagsamo. Walang ibang apoy sa mga insensaryong iwinawagayway sa harapan ng Diyos sa santuwaryo. Gayundin, ang Panginoon mismo ang dapat magsindi sa ating puso ng nag-aalab na hangarin, upang maging katanggap-tanggap sa Kanya ang ating mga panalangin. Ang Banal na Espiritu ang dapat mamagitan para sa atin, nang may mga di-maipahayag na daing (Roma 8:26).TKK 25.2

    Dapat makita sa ating panalangin ang malalim na pagkadama ng ating pangangailangan at matinding hangarin para sa ating hinihingi, at kung hindi'y hindi rin sila diringgin. Pero hindi tayo dapat mapagod, at itigil ang ating mga panalangin dahil hindi agaran ang kasagutan. “Mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok at sinasakop ng mga taong mararahas” (Mateo 11:12). Ang karahasang ito ay banal na pagkamarubdob, gaya ng kay Jacob. Hindi natin kailangang piliting magkaroon ng masidhing damdamin; kundi mahinahon at matiyaga nating ipamanhik ang ating mga kahilingan sa trono ng biyaya. Ang trabaho natin ay magpakumbaba sa harapan ng Diyos, na ipinagtatapat ang ating mga sala, at sa pananampalataya'y lumapit sa Kanya.TKK 25.3

    Sinagot ng Panginoon ang dalangin ni Daniel, hindi para maluwalhati siya, kundi upang ang pagpapala'y magbalik ng kaluwalhatian sa Diyos. Layunin Niyang ihayag ang Kanyang sarili sa Kanyang patnubay at biyaya. Ang marapat na tuon ng ating mga panalangin ay ang kaluwalhatian ng Diyos, at hindi ang sa ating sarili. Kung ang tingin natin sa ating mga sarili ay mahina, ignorante, at walang-magagawa, at ganoon naman talaga tayo, lalapit tayo sa Diyos bilang mga mapagpakumbabang tagasumamo. Ang hindi pagkakilala sa Diyos at kay Cristo ang nag-uudyok sa sinumang maging mayabang at mapagmatuwid. Ang di-maikakailang tanda na hindi kilala ng isang tao ang Diyos ay nasa dakila o mabuti niyang pagtingin sa kanyang sarili. Laging kaugnay ng pagmamataas ng puso ang kawalang-alam sa Diyos. Ang liwanag na mula sa Diyos ang nagbubunyag ng ating kadiliman at kasalatan. Noong mahayag kay Daniel ang banal na kaluwalhatian, napabulalas siyang, “Ang aking kulay ay namutlang parang patay at walang nanatiling lakas sa akin” (Daniel 10:8).TKK 25.4

    Sa sandaling makita ng abang naghahanap kung sino talaga ang Diyos, makikita rin niya ang kanyang sarili, gaya ni Daniel. Walang pagtataas ng sarili sa kapalaluan, kundi isang malalim na pagkadama ng kabanalan ng Diyos at ng katarungan ng Kanyang mga ipinag-uutos.— REVIEW AND HERALD, February 9,1897.TKK 25.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents