Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nakahandang Magbigay ng Katuwiran Para sa Ating Pag-asa, Abril 25

    Kundi sa inyong mga puso ay pakabanalin ninyo si Cristo bilang Panginoon, Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa inyo, 1 Pedro 3:15,TKK 124.1

    Ito ang makikita natin kung tayo'y nakaugnay sa Diyos. Nais ng Diyos na magtiwala tayo sa Kanya, at hindi sa tao. Ninanasa Niyang magkaroon tayo ng isang bagong puso; ibibigay Niya sa atin ang mga kapahayagan ng liwanag mula sa trono ng Diyos. Dapat tayong makipagpunyagi sa bawat kahirapan, ngunit kapag inilalahad ang isang puntong humahantong sa pagsasalungatan, tutungo ka ba sa tao upang malaman ang kanyang opinyon, at pagkatapos ay aayusin ang iyong konklusyon mula sa kanya?TKK 124.2

    Hindi, magtungo ka sa Diyos. Sabihin mo sa Kanya ang iyong ninanais; kunin mo ang iyong Biblia at magsaliksik na parang sa nakatagong kayamanan. Hindi tayo lumalalim nang sapat sa ating paghahanap ng katotohanan. Madadala ang bawat kaluluwa na naniniwala sa katotohanan para sa kapanahunang ito kung saan kakailanganing magbigay siya ng katuwiran para sa pag-asa na nasa kanya. Tatawagan ang bayan ng Diyos na tumayo sa harapan ng mga hari, prinsipe, tagapanguna, at mga dakilang tao ng lupa, at kailangang alam nila kung ano ang katotohanan. Dapat silang maging mga lalaki at babae na nahikayat. Matuturuan ka ng Diyos ng higit sa isang saglit sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu kaysa maaari mong matutuhan mula sa mga dakilang tao ng lupa. Nakatunghay ang sansinukob sa labanan na nagaganap sa lupa. Sa walang hanggang halaga, nagbigay ang Diyos para sa bawat isa ng pagkakataon na makilala iyong makagagawa sa kanyang matalino para sa kaligtasan. Masidhing nagmamasid ang mga anghel sa lahat ng tatanggap sa pagkakataong ito!TKK 124.3

    Kapag ibinigay ang isang mensahe sa bayan ng Diyos, hindi sila dapat magbangon upang labanan ito; kailangan silang magtungo sa Biblia, na ikinukumpara ito sa kautusan at sa patotoo, at kung hindi ito makakapasa sa pagsusuring ito, hindi ito totoo. Nais ng Diyos na lumawig ang ating mga isip.TKK 124.4

    Gusto Niyang ilagay sa atin ang Kanyang biyaya. Maaari tayong magkaroon ng piging ng mga mabubuting bagay sa bawat araw; dahil maaaring buksan ng Diyos ang buong kayamanan ng kalangitan sa atin. Dapat tayong maging kaisa ni Cristo kung paanong Siya'y kaisa sa Ama, at mamahalin tayo ng Ama tulad ng Kanyang pagmamahal sa Kanyang Anak. Maaari tayong magkaroon ng gayon ding tulong na nagkaroon si Cristo, maaaring magkaroon tayo ng kalakasan para sa bawat pangangailangan; sapagkat ang Diyos ang magiging bantay natin sa harap at sa likod.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, pp. 415, 416 .TKK 124.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents