Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    May Espiritung Mapanalanginin, Abril 13

    “Buksan mo ang aking mga mata upang makita ko, ang kahanga-hangang mga bagay sa kautusan Mo” Awit 119:18.TKK 112.1

    Maram-ing bahagi ng Kasulatan, na hinahatulan ng mga tao bilang hiwaga, o nilalagpasan dahil hindi mahalaga, ay puno ng kaaliwan at turo para sa kanyang tinuturuan sa paaralan ni Cristo. Ang isang dahilan na hindi nagkakaroon ng higit na maliwanag na pag-unawa sa Salita ng Diyos ang maraming teologo ay dahil isinasara nila ang kanilang mga mata sa mga katotohanang ayaw nilang isagawa. Nakasalalay ang pagkaunawa sa katotohanan ng Biblia hindi sa kapangyarihan ng kaisipan na dinadala sa pagsasaliksik kundi sa katiyakan ng layunin, sa masikap na pagnanasa para sa katuwiran.TKK 112.2

    Hindi dapat na pag-aralan ang Biblia nang walang panalangin. Tanging ang Banal na Espiritu ang makakaganyak sa atin na maramdaman ang kahalagahan ng mga bagay na madaling maintindihan, o mapigilan tayo mula sa pagpipilipit sa mga katotohanang mahirap maunawaan. Gawain ng makalangit na mga anghel na ihanda ang puso upang makaunawa sa Salita ng Diyos upang maakit tayo ng kagandahan nito, mapaalalahanan ng mga babala nito, o kilusin at palakasin ng mga pangako nito. Kailangan nating sarilinin ang pagsusumamo ng mang-aawit: “Buksan mo ang aking mga mata upang makita ko, ang kahanga-hangang mga bagay sa kautusan Mo.”TKK 112.3

    Madalas na tila hindi mapaglabanan ang mga tukso dahil, sa pamamagitan ng pagpapabaya sa panalangin at pag-aaral ng Biblia, hindi maalala ng tinutukso ang mga pangako ng Diyos at salubungin si Satanas ng mga armas ng Kasulatan. Ngunit nasa palibot nilang handang maturuan sa mga banal na bagay ang mga anghel; at sa panahon ng malaking pangangailangan ipapaalala nila iyong mga katotohanan na kinakailangan. Kaya't “Siya'y darating na parang bugso ng tubig na itinataboy ng hininga ng Panginoon” (Isaias 59:19).TKK 112.4

    Nangako si Jesus sa Kanyang mga alagad: “Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng Aking sinabi sa inyo” (Juan 14:26). Ngunit kailangan na naunang naimbak ang mga turo ni Cristo sa pag-iisip upang maipaalala ng Espiritu ng Diyos sa panahon ng panganib. “Iningatan ko ang Iyong salita sa aking puso,” sabi ni David, “upang huwag akong magkasala laban sa Iyo” (Awit 119:11).— THE GREAT CONTROVERSY, pp. 599, 600.TKK 112.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents