Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Pinakadakilang Kaloob, Oktubre 2

    Subalit ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa amin ay ang Diyos, inilagay rin niya ang kanyang tatak sa amin, at ibinigay sa amin ang Espiritu sa aming mga puso bilang paunang bayad, 2 Corinto 1:21,22.TKK 290.1

    Sa pagbibigay ng Banal na Espiritu, imposible para sa Diyos na magbigay ng higit pa. Walang nang maidadagdag sa kaloob na ito. Sa pamamagitan nito napupunan ang lahat ng pangangailangan. Ang Banal na Espiritu ay ang mahalagang presensiya ng Diyos, at kung pinahahalagahan ay pupukaw ng papuri at pasasalamat, at kailanma'y sisibol tungo buhay na walang hanggan. Ang pagpapanumbalik ng Espiritu ay ang tipan ng biyaya.TKK 290.2

    Ngunit paanong kakaunti ang nagpapahalaga sa dakilang kaloob na ito, na napakamahal, ngunit walang bayad sa lahat ng tatanggap nito? Kapag pinanghahawakan ng pananampalataya ang pagpapala, may dumarating na espiritwal na kasaganaan. Ngunit kadalasan hindi pinahahalagahan ang pagpapala. Kailangan natin ng malawak na pagkaintindi upang maunawaan ang halaga nito. . . .TKK 290.3

    O, anong kamangha-manghang pag-ibig at pagpapakumbaba! Hinihimok ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga mananampalataya na hingin ang Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng Diyos ng damdamin ng isang magulang, nais Niyang humikayat ng pananamplataya sa pagtanggap ng kaloob. Ang makalangit na Magulang ay higit na handang magbigay ng Banal na Espiritu sa mga humihingi sa Kanya kaysa sa mga magulang natin na magbigay ng mabubuting regalo sa kanilang mga anak.TKK 290.4

    Anong mas malaking bagay ang maaaring maipapangako? Ano pa ang kinakailangan upang gisingin ang pagtugon sa bawat kaluluwa, upang pukawin tayo ng pananabik para sa dakilang kaloob? Hindi ba dapat ang ating matamlay na mga pagsusumamo ay maging panalanging may matinding pagnanais para sa dakilang pagpapalang ito?TKK 290.5

    Hindi tayo humihingi ng sapat sa mga mabubuting bagay na ipinangako ng Diyos. Kung aabutin natin ang mas mataas at aasam ng mas higit pa, ihahayag ng ating mga panalangin ang nagpapasiglang lakas sa bawat kaluluwang humihiling na may buong pag-asa na sila'y madidinig at sasagutin. Hindi naluluwalhati ang Panginoon sa matamlay na mga pagsusumamo na nagpapakita na wala silang inaasahan. Ninanais Niya na lumapit ang bawat sumasampalataya sa luklukan ng biyaya nang may kasigasigan at pagtitiwala.— SIGNS QF THE TIMES, August 7, 1901 .TKK 290.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents