Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Manunulat: Paglalathala Ayon sa Utos ng Diyos, Agosto 11

    At sinabi ng nakaupo sa trono, “Masdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay” Sinabi rin niya, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at tunay” Apocalipsis 21:5.TKK 236.1

    Hindi nanggaling kay Sister White ang mga aklat na ito. Naglalaman ang mga ito ng tagubiling ibinigay ng Diyos sa Kanya sa panahon ng kanyang paglilingkod. Taglay ng mga ito ang mahahalaga at umaaliw na liwanag na mabiyayang ibinigay ng Diyos sa Kanyang lingkod upang ibahagi sa sanlibutan. Mula sa mga pahina nito, sisinag ang liwanag nito sa mga puso ng mga lalaki at babae, na aakay sa kanila sa Tagapagligtas. Ipinahayag ng Panginoon na ang mga aklat na ito ay dapat ikalat sa buong sanlibutan. May katotohanan sa mga ito na sa mga tatanggap ay isang samyo ng buhay tungo sa buhay. Ang mga ito ay tahimik na mga saksi para sa Diyos.TKK 236.2

    Noon, ang mga ito ang naging instrumento sa Kanyang mga kamay upang kilusin at baguhin ang maraming mga kaluluwa. Maraming nagbasa nito nang may pananabik na pag-asa, at, sa pagbabasa ng mga ito, ay naakay na makita ang pagiging epektibo ng pagtubos ni Cristo, at magtiwala sa kapangyarihan nito. Naakay silang italaga ang pangangalaga ng kanilang kaluluwa sa kanilang Manlilikha, na naghihintay at umaasa sa pagdating ng Tagapagligtas upang dalhin ang Kanyang mga minamahal sa kanilang walang hanggang tahanan. Sa darating na panahon, bibigyang-linaw ng mga aklat na ito ang ebanghelyo sa karamihan, na naghahayag sa kanila ng daan ng kaligtasan.TKK 236.3

    Nagpadala ang Panginoon sa Kanyang bayan ng maraming tagubilin, salita sa salita, utos sa utos, kaunti rito at kaunti doon. Kakaunting pagsunod ang ibinibigay sa Biblia, at nagbigay ang Panginoon ng maliit na liwanag para mag- akay sa mga lalaki at babae tungo sa dakilang liwanag. O, gaano kalaki ang ikabubuti na magagawa kung ang mga aklat na naglalaman ng liwanag ay binabasa na may pagsisikap na maisagawa ang mga prinsipyong nilalaman nito! Magkakaroon ng libong beses na mas higit na pagbabantay, libong ulit na mas higit na pagtanggi sa sarili at matatag na pagsisikap. At marami pa mula ngayon ay makikipagbunyi sa liwanag ng kasalukuyang katotohanan.TKK 236.4

    Mga kapatid ko, gumawang masikap na maikalat ang mga aklat na ito. Ilagay ang inyong mga puso sa gawaing ito, at ang pagpapala ng Diyos ay sasainyo. Humayo sa pananampalataya, na nananalanging ihanda ng Diyos ang mga pusong tumanggap sa liwanag. Maging kaaya-aya at kagalang-galang. Ipakita sa pamamagitan ng hindi nagbabagong kurso na kayo ay mga tunay na Kristiyano. Lumakad at gumawa sa liwanag ng langit, at magiging daan ng matuwid ang iyong daan, na lalong magliliwanag hanggang sa katanghaliang tapat.— REVIEW AND HERALD, January 20,1903 .TKK 236.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents