Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Isipang Masunurin, Oktubre 18

    Upang sa inyo'y ipagkaloob niya ayon sa kayamanan ng kanyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu sa pagkataong-loob. Efeso 3:16.TKK 306.1

    Umuunlad ang ebanghelyo ni Cristo sa bawat taong kinatawan na nakatalaga sa paglilingkod sa Panginoon. Inaangkin ng Banal na Espiritu ang lahat ng may handang isipan, hindi upang gumawa ang tao sa Banal na Espiritu, kundi upang makagawa ang Banal na Espiritu ng himala nito sa pamamagitan ng biyaya na ibinuhos sa tao. Ang kabutihan ng Diyos ay nagiging isang kumikilos na kapangyarihan sa pamamagitan ng buhay na hindi pabago-bago, sa pamamagitan ng maalab na pag-ibig para kay Jesus, at sa pamamagitan ng kasigasigang may makalangit na inspirasyon. Yaong mga kasama si Jesus ay makikibahagi sa Kanyang nakatutunaw na pag-ibig, at maghahayag ng Kanyang nag-uumapaw na simpatiya para sa mga kaluluwang nagbibigaydaan sa mga mapanlinlang na mga tukso ni Satanas. Magpaplano at magaaral at magsasanay sila ng kahusayang pakikitungo, nang sa gayon sila ay magtagumpay sa paghahayag ng hindi makasariling pag-ibig ni Cristo upang ang makasalanan at hindi nagsisising mga puso ay mahikayat tungo sa katapatan kay Jesus, na nag-alay ng Kanyang buhay para sa kanila.TKK 306.2

    Huwag sayangin ang oras; ipagtapat si Cristo nang walang pagkaantala. Ang Banal na Espiritu, ang Mang-aaliw, ang Espiritu ng katotohanan ang Siyang nagpapatotoo kay Cristo. Sinabi ni Jesus, “Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kadulu- duluhang bahagi ng lupa” (Mga Gawa 1:8).TKK 306.3

    Isang kakila-kilabot na bagay ang pighatiin ang Banal na Espiritu na gagawin kang saksi ni Cristo. Hindi mo alam kung kailan mo maaaring pighatiin ang Espiritu sa huling pagkakataon. Ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa puso ng tao upang pilitin kang ibigay ang iyong sarili kay Cristo, upang puwersahin kang isuko ang iyong konsensiya: ngunit nililiwanagan ng Espiritu ang mga silid ng isipan upang humatol sa kasalanan, at upang hikayatin ka sa katuwiran. Kung hindi mo ipagtatapat si Cristo ngayon, darating ang panahon na, puno ng pagkadama ng mga dakilang bagay na nawala sa iyo, gagawa ka ng pagtatapat. Ngunit bakit hindi pa ipagtapat si Cristo ngayon habang inaanyayahan ka ng tinig ng awa?— THE YOUTH’S INSTRUCTOR, August 1,1895 .TKK 306.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents