Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Hulyo—Pinagkalooban Sa Pamamagitan Ng Espiritu

    Kagandahan sa Pagkakaiba-iba, Hulyo 1

    Ngayon, mga kapatid, hindi ko nais na wala kayong alam tungkol sa mga kaloob na espiritwal.... May iba't ibang uri ng mga kaloob, subalit iisang Espiritu.At may iba't ibang uri ng paglilingkod, subalit iisang Panginoon. May iba't ibang uri ng gawain, subalit iisang Diyos na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat. 1 Corinto 12:1-6.TKK 194.1

    Ang mga talentong ipinagkatiwala sa Kanyang iglesya ay kumakatawang tunay sa mga kaloob at mga pagpapalang ibinigay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. “Sa isa ay ibinigay sa pamamagitan ng Espiritu ang salita ng karunungan, at sa iba'y ang salita ng kaalaman ayon sa gayunding Espiritu, sa iba'y pananampalataya sa pamamagitan ng gayunding Espiritu, at sa iba'y ang mga kaloob ng pagpapagaling sa pamamagitan ng isang Espiritu. Sa iba'y ang paggawa ng mga himala, sa iba'y propesiya, sa iba'y ang pagkilala sa mga espiritu, sa iba'y ang iba't ibang wika, at sa iba'y ang pagpapaliwanag ng mga wika. Ang lahat ng ito ay pinakilos ng iisa at gayunding Espiritu, na namamahagi sa bawat isa ayon sa pasiya ng Espiritu” (1 Corinto 12:8-11).TKK 194.2

    Sa lahat ng kaayusan ng Panginoon, walang higit na maganda sa Kanyang planong pagbibigay sa mga lalaki at babae ng magkakaibang mga kaloob. Ang iglesya ang Kanyang hardin, na inayusan ng iba't ibang mga puno, mga halaman, at mga bulaklak. Hindi Niya inaasahan ang hisopo na kunin ang bahagi ng kawayan ng sedar, ni ang olibo na umabot sa taas ng marangal na palma. Maraming nakatanggap ng limitado lamang na panrelihiyon at pangkaisipang pagsasanay, ngunit ang Diyos ay may gawaing para kanilang isagawa, kung sila'y gagawang may pagpapakumbaba, na nagtitiwala sa Kanya. . . .TKK 194.3

    Binigyan ang bawat isa ng iba't ibang mga kaloob upang madama ng mga manggagawang ito ang kanilang pangangailangan sa isa't isa. Ibinigay ng Diyos ang mga kaloob na ito, at gagamitin ang mga ito sa paglilingkod sa Kanya, hindi para luwalhatiin ang mayroon nito, hindi para itaas ang tao, sa halip ay itaas ang Manunubos ng sanlibutan. Gagamitin ang mga ito sa ikabubuti ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng pagpapakilala ng katotohanan, hindi sa pagpapatotoo sa kasinungalingan. . . . Sa bawat salita at kilos, ang kabaitan at pag-ibig ay mahahayag, at habang ang bawat manggagawa ay gumaganap sa itinalagang lugar na may katapatan, ang matutugunan ang panalangin ni Cristo para sa pagkakaisa ng Kanyang mga tagasunod, at malalaman ng sanlibutan na mga alagad Niya ang mga ito.— SIGNS OF THE TIMES, Mareh 15, 1910 .TKK 194.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents