Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinangungunahan Tayo ng Espiritu na Maging mga Anak ng Diyos, Enero 20

    Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay sila ang mga anak ng Diyos. Roma 8:14.TKK 26.1

    Tumayo si Cristo sa gitna ng mga tao bilang Orakulo ng Diyos. Nagsalita Siya bilang isang may awtoridad, na tinatawag ang Kanyang sarili sa harap ng mga tao sa matitinding salita, athinihingi ang tahasang pananampalataya at pagsunod. Tayo bilang isang bayan, ay isinalig ang ating pananampalataya sa mga prinsipyong nakalahad sa Kanyang Salita. Ipinangako natin ang ating sarili na pasunurin ang ating puso't isipan sa buhay na Salita, at sundin ang “Ganito ang sabi ng Panginoon.”TKK 26.2

    Nakasalalay ang lahat nating pag-asa sa kasalukuyan at sa hinaharap sa ating relasyon kay Cristo at sa Diyos. Matitindi ang sinabi ni apostol Pablo para kumpirmahin ang ating pananampalataya ukol dito. Sa mga pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos, na sa mga puso'y nananahan ang biyaya ni Cristo, ay sinasabi niya: “Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espíritu na tayo'y mga anak ng Diyos. At kung mga anak, ay mga tagapagmana rin, mga tagapagmana ng Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung tunay ngang nagtitiis tayong kasama Niya, upang tayo'y luwalhatiin namang kasama Niya” (Roma 8:16, 17). “Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espíritu ng pagkaalipin upang muling matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y tumatawag tayo, ‘Abba! Ama!’ ” (talatang 15).TKK 26.3

    Tinatawagan tayo ni Cristo na lumabas sa sanlibutan at humiwalay. Tinawagan tayong mamuhay ng banal na buhay, na patuloy na inilalapit sa Diyos ang ating mga puso, at nasa ating mga buhay ang Banal na Espiritu bilang naninirahang presensiya. Ihahayag ng bawat tunay na mananampalataya kay Cristo na ang biyaya ng Kanyang pag-ibig ay nasa puso. Kung saan dati'y may pagkakalayo sa Diyos, ay magkakaroon ng hayag na pakikipagpartner sa Kanya; kung saan dati'y litaw ang makalamang likas, doo'y makikita ang mga katangian ng Diyos.TKK 26.4

    Dapat maging mga manggagawa ng katuwiran ang Kanyang bayan, na palaging naghahanap sa Diyos, palagiang manggagawa ng Kanyang kalooban. Gagawin nito silang kumpleto kay Cristo. Sa mga anghel at sa mga tao at sa mga sanlibutang hindi nagkasala dapat nilang ipakita na umaayon ang kanilang mga buhay sa kalooban ng Diyos, na sila'y mga tapat na tagasunod ng mga prinsipyo ng Kanyang kaharian. Ang Banal na Espiritu, na nakatira sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya, ay dadalhin sila sa pakikisama kay Cristo at sa isa't isa, at pagbubungahin sila ng mahahalagang bunga ng kabanalan.— REVIEW AND HERALD, August 19,1909.TKK 26.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents