Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Sa Panahon ng Pagsubok, Mayo 2

    Sapagkat tayo'y mayroong isang Pinakapunong Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan, isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, gayunma'y walang kasalanan. Hebreo 4:15.TKK 132.1

    Nananahan si Cristo sa kanya na tumatanggap sa Kanya sa pananampalataya. Bagama't dumarating ang mga pagsubok sa kaluluwa, ngunit makakasama natin ang presensiya ng Panginoon. Hindi sinunog ng presensiya ng Panginoon ang nag-aapoy na mababang punung-kahoy. Hindi tinupok ng apoy ni isang hibla ng mga sanga. Magiging ganito rin sa mahinang tao na naglalagay ng kanyang pagtitiwala kay Cristo. Maaaring mag-apoy ang hurno ng tukso, maaaring dumating ang pang-uusig at pagsubok, ngunit tanging ang dumi lamang ang masusunog. Magniningning na may higit na kaliwanagan ang ginto dahil sa proseso ng pagdadalisay.TKK 132.2

    Higit na dakila Siyang nasa puso ng tapat, kaysa sa kanya na kumukontrol sa mga hindi nananampalataya. Huwag kayong umangal nang labis sa pagsubok na dumarating sa inyo, kundi ituon ninyo ang inyong paningin kay Cristo, na binihisan ang Kanyang Kadiyosan ng pagkatao, upang maunawaan natin kung gaano kadakila ang Kanyang pagmamalasakit sa atin dahil nakiisa Siya sa taong nagdurusa. Tinikman Niya ang saro ng kalumbayan ng tao, nahirapan Siya sa lahat ng ating paghihirap, dinalisay Siya sa pamamagitan ng pagdurusa, tinukso sa lahat ng mga paraan na tinutukso ang tao, upang makalinga Niya silang nasa tukso.TKK 132.3

    Sinasabi Niya, “Aking gagawin na mas bihira ang mga tao kaysa dalisay na ginto, at ang sangkatauhan kaysa ginto ng Ofir” (Isaias 13:12). Gagawin Niyang mahalaga ang isang tao sa pamamagitan ng pananahan sa Kanya, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng Banal na Espiritu. Sinasabi Niya, “Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya?” (Lucas 11:13).TKK 132.4

    Tinuruan tayo ng Panginoon na tawagin ang Diyos na ating Ama, na kilalanin Siya bilang bukal ng pagmamahal ng magulang, ang pinagmumulan ng pag-ibig na umaagos mula sa bawat siglo sa pamamagitan ng daluyan ng puso ng tao. Ang lahat ng habag, pagmamahal, at pag-ibig na nakita sa mundo ay nagmula sa trono ng Diyos, at kung ihahambing sa pagmamahal na nananahan sa Kanyang puso, ay katulad ng sa isang bukal kumpara sa dagat. Palaging umaagos ang Kanyang pag-ibig upang gawing malakas ang mahina, upang patibayin ang nanghihina, at magbigay ng katapangang moral sa nag- aalinlangan. Gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo, at maaaring lumapit ang tao sa Ama sa pangalan ng Anak. Ang ating agham at ating awit ay “Pakinggan ang ginawa ng Panginoon para sa aking kaluluwa.”— Signs OF THE TIMES, Mareh 5,1896.TKK 132.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents