Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Palagiang Ugnayan, Oktubre 24

    At isinalaysay ni Jesus sa kanila ang isang talinghaga kung paanong sila'y dapat laging manalangin at huwag manlupaypay. Lucas 18:1.TKK 312.1

    Kahit kailan, hindi natin magagawang isantabi ang tulong na naging daan upang tayo ay makapagsimula. Hanggang sa dulo, kakailangan natin ang mga pagpapalang tinanggap sa ilalim ng unang ulan. Ngunit hindi sasapat ang mga ito. Samantalang ating pinapahalagahan ang pagpapala ng unang ulan, hindi natin dapat, sa isang banda, kalimutan ang katotohanang kapag wala ang huling ulan, upang mapunan ang mga uhay at pahinugin ang butil, hindi magiging handa ang ani para sa panggapas, at ang pagpapagal ng manghahasik ay magiging walang kabuluhan. Ang biyaya ng Diyos ay kinakailangan sa simula, biyaya ng Diyos sa bawat hakbang ng pagsulong, at ang biyaya ng Diyos lamang ang makatatapos sa gawain.TKK 312.2

    Walang lugar para sa atin upang magpahinga nang may pabayang paguugali. Hindi natin dapat kalimutan ang mga babala ni Cristo, “Mangagpuyat sa pananalangin,” “Maging handa . . . na nananalangin” (Lucas 21:36). Mahalaga sa pag-unlad natin ang ugnayan sa banal na ahensya sa bawat sandali. Maaaring nagkaroon tayo ng sukat ng Espiritu ng Diyos, subalit sa pamamagitan ng pananalangin at pananampalataya dapat patuloy tayong maghangad ng karagdagan pa ng Espiritu. Hindi tayo titigil sa ating mga pagsisikap. Kung hindi tayo uunlad, kung hindi natin ilalagay ang ating mga sarili sa isang kondisyon ng kaisipan na tanggapin ang kapwa una at huling ulan, ipapahamak natin ang ating mga kaluluwa, at ang kapanagutan ay magiging responsibilidad natin.TKK 312.3

    “Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng ulan sa tagsibol” (Zacarias 10:1). Huwag masiyahan na sa ordinaryong pagtakbo ng panahon, ang ulan ay bubuhos. Hilingin mo ito. Ang paglago at kasakdalan ng binhi ay hindi nakasalalay sa magsasaka. Ang Diyos lamang ang makapagpapahinog ng ani. Subalit kinakailangan ang kooperasyon ng tao. Ang gawain ng Diyos para sa atin ay nangangailangan ng pagkilos ng ating isipan, at paggamit ng ating pananampalataya. Dapat nating hanapin ang Kanyang mga biyaya nang buong puso kung ang mga ulan ng pagpapala ay darating sa atin.TKK 312.4

    Dapat nating pagbutihin ang bawat pagkakataon sa paglalagay ng ating mga sarili sa daluyan ng pagpapala. Sinabi ni Cristo, “Kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila” (Mateo 18:20). Ang mga pagpupulong ng iglesya, tulad ng mga pagtitipon sa tolda, ang bahay-bahay na pagsasama-sama, at lahat ng mga pagkakataon kung saan mayroong personal na paggawa para sa mga kaluluwa, ay mga itinalagang pagkakataon ng Diyos para sa pagkakaloob ng una at huling ulan.— REVIEW AND HERALD, March 2,1897 .TKK 312.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents