Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Maaaring Umalis ang Espiritu, Enero 26

    Gaano pa kayang higpit na parusa sa akala ninyo, ang nararapat sa kanila na yumurak sa Anak ng Diyos at lumapastangan sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kanila, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? Hebreo 10:29,TKK 32.1

    Hindi alam nung mga kumakalaban sa Espiritu ng Diyos, at nagpapaalis sa Kanya, kung gaano nagsisikap si Satanas na pangunahan sila. Kapag umalis ang Banal na Espiritu sa isang tao, walang kamalay-malay niyang gagawin yung mga bagay na dati'y nakikita niyang tahasang kasalanan sa tamang liwanag. Malibang pakinggan niya ang mga babala, babalutan niya ang kanyang sarili ng pandarayang sa kanya'y magpapaging traydor at bulag katulad ng nangyari kay Judas. Susundan niya isa-isa ang bawat hakbang ni Satanas. Sino, kung gayon, ang makikipagpunyagi sa kanya sa anumang layunin? Magsusumamo ba ang mga ministro sa kanya at para sa kanya? Ang lahat ng sasabihin nila ay para bang walang-kuwentang kuwento. Si Satanas ang pinipiling kasamahan ng mga ganyang kaluluwa, para maliin ang mga salitang binigkas, at dalhin ito sa kanilang mga pang-unawa sa baluktot na liwanag.TKK 32.2

    Kapag pinighati ang Espiritu ng Diyos, walang kabuluhan sa kanila ang bawat panawagang ginawa sa pamamagitan ng mga lingkod ng Diyos. Bibigyan nila ng maling pakahulugan ang bawat salita. Tatawanan at gagawing katatawanan ang mga pinakaseryosong salita ng mga babala ng Kasulatan, na kung hindi lang sana sila nagayuma ng mga ahensya ni Satanas, ay magpapanginig sana sa kanila. Walang-saysay ang bawat pagsusumamong ginagawa sa kanila. Ayaw nilang makinig sa saway o payo. Hinahamak nila ang lahat ng pakiusap ng Espiritu, at sinusuway ang mga utos ng Diyos na dati'y ipinagtatanggol nila't itinataas. Magandang tumimo ang mga salita ng apostol sa ganyang mga kaluluwa, “Sino ang gumayuma sa inyo? Sa harapan ng inyong mga mata ay hayagang ipinakita si Jesu-Cristo na ipinako sa krus!” (Galacia 3:1). Sumusunod sila sa payo ng sarili nilang mga puso hanggang sa ang katotohanan ay hindi na katotohanan para sa kanila. Si Barabas ang pinipili at si Cristo'y itinatakwil.TKK 32.3

    Napakahalagang mabuhay sa pamamagitan ng bawat salita ng Diyos, kung hindi'y laging ipagdiriinan ng lumang likas ang sarili nito. Ang Banal na Espiritu, ang tumutubos na biyaya ng katotohanan sa kaluluwa, ang nagpapaging kaisa ng isa't isa sa mga tagasunod ni Cristo, at kaisa rin ng Diyos. Siya lamang ang makapagpapaalis sa galit, inggit, at kawalang-paniniwala. Pinababanal Niya ang buong damdamin. Pinanunumbalik Niya sa Diyos mula sa kapangyarihan ni Satanas ang nalalaan at nagnanais na kaluluwa. Ito ang kapangyarihan ng biyaya. Ito'y banal na kapangyarihan. Sa ilalim ng impluwensiya nito, nagkakaroon ng pagbabago mula sa mga dating gawi, kaugalian, at pamumuhay na kapag iningatan, ay maghihiwalay ng kaluluwa sa Diyos; at ang gawain ng pagpapabanal ay nangyayari sa kaluluwa, na palaging sumusulong at lumalawak.— REVIEW AND HERALD, October 12,1897.TKK 32.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents