Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Iba’t Ibang Paraan ng Inspirasyon: Ang Mapangarapin, Agosto 6

    Kailangang ako'y magmalaki, kahit ito'y hindi kapaki-pakinabang, ngunit ako ay magpapatuloy sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon, Kilala ko ang isang lalaki kay Cristo, mayroon nang labing-apat na taon ang nakaraan, dinala sa ikatlong langit (kung nasa katawan man, o kung nasa labas ng katawan, hindi ko alam; ang Diyos ang nakakaalam), 2 Corinto 12:1, 2,TKK 231.1

    Habang dumarating ang mga katanungan tungkol sa aking kalagayan habang nasa pangitain, at pagkatapos nito, aking sinasabi na kung makita ng Panginoon na nararapat magbigay ng pangitain, dinadala ako sa harapan ni Jesus at ng mga anghel, at nawawala sa mga bagay ng sanlibutan sa kabuuan. Wala akong nakikita higit sa ipinakikita sa akin ng anghel. Madalas na itinuturo ang aking atensyon sa mga pangyayaring nagaganap sa mundo.TKK 231.2

    Minsan ay dinadala ako hanggang sa darating at ipinakikita kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay muling ipakikita sa akin ang mga bagay kung paanong nangyari ang mga ito sa nakalipas. Matapos ako makalabas sa pangitain ay hindi ko agad naaalala ang lahat ng nakita ko, at hindi ganoon kaliwanag sa akin ang lahat hanggang sa magsulat ako, pagkatapos ay bumabangon sa harapan ko ang mga pangyayari sa pangitain, at makapagsusulat akong may Kalayaan.TKK 231.3

    Minsan ang mga bagay na aking nakikita ay naitatago sa akin matapos ang aking pangitain, at hindi ko maalala sa isip ko ang mga ito hanggang ako ay dalhin sa grupong tinutukoy sa pangitain, pagkatapos ay bumabalik ang mga bagay na nakita ko sa isipan ko na may diin. Ako ay nakadepende lamang sa Espiritu ng Panginoon sa paglalahad o pagsusulat ng mga pangitain, kung paano sa pagkakaroon ng pangitain. Imposible para sa akin na alalahanin ang mga bagay malibang dalhin ito ng Panginoon sa aking harapan sa panahong ikinalulugod Niyang ipahayag o isulat ang mga ito.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, pp. 36, 37 .TKK 231.4

    Bagamat ako'y nakadepende sa Espiritu ng Panginoon sa pagsusulat ng aking mga nakita kung paanong gayundin sa aking pagtanggap nito, gayunman ang mga salitang aking ginagamit sa paglalarawan ng aking mga nakita ay sa aking sarili, malibang iyon ay iyong mga sinalita sa akin ng anghel, na kadalasan ay lagi kong nilalagay sa loob ng mga panipi.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, p. 37 .TKK 231.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents