Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tunay na Pagpapahalaga, Oktubre 25

    Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang dakong pinagtitipunan nila at silang lahat ay napuno ng Espiritu Santo, at kanilang ipinahayag na may katapangan ang salita ng Diyos. Mga Gawa 4:31.TKK 313.1

    Ang pugbubuhos ng Espiritu sa panahon ng mga apostol ay ang “unang ulan”; at dakila ang naging bunga. Ngunit mas lalong magiging sagana ang “huling ulan.” Ano ang pangako para sa mga nabubuhay sa mga huling araw na ito? “Bumalik kayo sa inyong muog, kayong mga bilanggo na may pag-asa, ngayo'y ipinahahayag ko na aking ibabalik sa inyo nang makalawa” (Zacarias 9:12). “Hingin ninyo sa Panginoon ang ulan sa kapanahunan ng ulan sa tagsibol, mula sa Panginoon na gumagawa ng ulap na may dalang unos, at kanyang bibigyan sila ng ulan, sa bawat isa'y ng damo sa parang” (Zacarias 10:1).TKK 313.2

    Inihahayag ni Cristo na makakasama ng Kanyang mga tagasunod ang banal na impluwensiya ng Espiritu hanggang sa wakas. Subalit sa iba ang pangakong ito ay hindi napapahalagahan gaya ng nararapat; ang katuparan nito ay hindi napagtatanto gaya ng maaari. Kaalaman, mga talento, kahusayang magsalita, bawat likas o nakamtang talino, ay maaaring tinataglay; subalit kung wala ang presensiya ng Espiritu ng Diyos, walang pusong maaantig, walang makasalanang mapapanagumpayan para kay Cristo. Kapag nakaugnay kay Cristo ang Kanyang mga disipulo, kapag nasa kanila ang mga kaloob ng Espiritu, kahit ang pinakamahirap at pinakamangmang sa kanila ay magkakaroon ng kapangyarihang makapagsasabi sa mga puso. Ang Diyos ay ginagawa silang kasangkapan para sa gawain ng pinakamataas na impluwensiya ng sansinukob.TKK 313.3

    Kung paanong ang banal na kaloob—ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu—ay ibinigay sa mga disipulo, gayundin din ito ibibigay ngayon sa lahat ng mga wastong humahanap. Ang kapangyarihang ito lamang ang makapagbibigay sa atin ng katalinuhan tungo sa kaligtasan, at gawing karapatdapat tayo sa mga bulwagan sa itaas. Nais ni Cristo na magkaloob sa atin ng isang pagpapalang magpapabanal sa atin. “Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo,” sabi Niya, “upang ang aking kagalakan ay mapasainyo, at ang inyong kagalakan ay malubos” (Juan 15:11). Ang kagalakang nasa Banal na Espiritu ay nagbibigay ng kagalingan, nagbibigay-buhay. Sa pagkakaloob sa atin ng Kanyang Espiritu, ibinibigay sa atin ng Diyos ang Kanyang sarili—isang bukal ng mga banal na impluwensiya, upang magbigay ng kagalingan at buhay sa mundo.— SIGNS OF THE TIMES, March 15,1910 .TKK 313.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents