Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Humihingi ng Kanyang Pagpapala, Oktubre 22

    “At hindi ba bibigyan ng Diyos ng katarungan ang kanyang mga pinili na sumisigaw sa kanya araw at gabi, Kanya bang matitiis sila?” Lueas 18:7TKK 310.1

    Maaaring matagal na nating sinusundan ang makipot na daan, ngunit hindi ligtas na ituring itong patunay na susundin natin ito hanggang sa dulo. Kung lumakad man tayo kasama ng Diyos sa pakikisama ng Espiritu, ito ay dahil hinanap natin Siya araw-araw sa pamamagitan ng pananampalataya. Mula sa dalawang puno ng olibo, ibinabahagi sa atin ang ginintuang langis na dumadaloy sa mga gintong tubo. Ngunit ang mga hindi nililinang ang espiritu at kaugalian ng pananalangin ay hindi makaaasang tatanggap ng ginintuang langis ng kabutihan, pagtitiyaga, pagtitiis, kahinahunan, at pag-ibig.TKK 310.2

    Dapat panatilihin ng bawat isa ang sarili na hiwalay sa mundong puno ng kasamaan. Hindi tayo dapat lumakad kasama ang Diyos ng ilang panahon lang, at pagkatapos ay hihiwalay mula sa Kanyang piling, at lalakad sa apoy ng sarili nating pagniningas. Kailangang may matatag na pagpapatuloy, ng pagtitiyaga sa mga gawa ng pananampalataya. Dapat nating purihin ang Diyos, ipakita ang Kanyang kaluwalhatian sa isang matuwid na karakter. Walang sinuman sa ating makakakamit ng tagumpay nang walang matiyaga at walang kapagurang pagsisikap, na katumbas ng bagay na hinahanap natin, maging ang buhay na walang hanggan.TKK 310.3

    Ang pamamalakad sa panahon natin ngayon, para sa mga nagtatanong, ay ang pamamalakad ng Banal na Espiritu. Hilingin ang Kanyang pagpapala. Panahon na upang tayo ay maging mas masidhi sa ating debosyon. Ipinagkatiwala sa atin ang mahirap ngunit masaya at maluwalhating gawain ng pagpapahayag kay Cristo sa mga nasa kadiliman. Tinawag tayo upang ihayag ang mga natatanging katotohanan para sa panahong ito. Mahalaga para sa lahat ng ito ang pagbubuhos ng Espiritu. Kailangan nating manalangin para sa Espiritu. Inaasahan tayo ng Panginoon na humingi sa Kanya. Hindi tayo naging taos-puso sa gawaing ito.TKK 310.4

    Ano ang masasabi ko sa mga kapatid ko sa pangalan ng Panginoon? Anong bahagi ng ating mga pagsisikap ang naisagawa ayon sa liwanag na malugod na ibinigay ng Panginoon? Hindi tayo maaaring dumepende sa kaanyuan o panlabas na makinarya. Ang kailangan natin ay ang nagpapasiglang impluwensiya ng Banal na Espiritu ng Diyos. “Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo” (Zacarias 4:6). Manalanging walang patid, at magbantay sa pamamagitan ng paggawa ayon sa iyong mga panalangin. Habang nananalangin, maniwala at magtiwala sa Diyos. Panahon na ng huling ulan, kung kailan ang Panginoon ay magbibigay nang masagana ng Kanyang Espiritu. Maging mataimtim sa pananalangin, at magbantay sa Espiritu.— Review and Herald, Mareh 2,1897.TKK 310.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents