Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nagtutungo sa Pinagmumulan ng Liwanag, Abril 4

    “Ang paghahayag ng lyong mga salita ay nagbibigay ng kaliwanagan; nagbibigay ng unawa sa walang karunungan,“Awit 119:130,TKK 103.1

    Kung minsan ang mga taong may kakayahang intelektuwal, na napabuti ng edukasyon at kultura, ay nabibigong maintindihan ang ilang mga talata sa Kasulatan, samantalang iyong iba na walang pinag-aralan, na may mahihinang pang-unawa at may mga pag-iisip na hindi displinado ay mababatid ang kahulugan, na nakahahanap ng kalakasan at kaaliwan doon sa itinuturing na mahiwaga o nilalagpasan bilang hindi mahalaga ng mga nauna. Bakit ganito?TKK 103.2

    Ipinaliwanag sa akin na ang mga kagaya ng nahuli ay hindi nagtitiwala sa sarili nilang pag-unawa. Nagtutungo sila sa Pinagmumulan ng liwanag, Siyang kumasi sa Kasulatan, at humihingi sa Diyos nang may pagpapakumbaba ng karunungan, at tinatanggap nila ito. May mga mina ng katotohanang matutuklasan pa lang ng masikap na nagsasaliksik.TKK 103.3

    Inilarawan ni Cristo ang katotohanan bilang kayamanang nakatago sa bukirin. Wala ito sa ibabaw; kailangang maghukay para rito. Ngunit hindi nakasalalay sa ating kakayahang intelektuwal ang pagkahanap dito kundi sa pagpapakumbab ang puso at pananampalataya na manghahawak sa banal na tulong.TKK 103.4

    Kung walang paggabay ng Banal na Espiritu maaari nating patuloy na pilipitin ang Kasulatan at magbigay ng maling interpretasyon. Maraming nagbabasa ng Biblia na walang pakinabang at sa maraming pagkakataon ay nakapipinsala. Kapag binubuksan ang Salita ng Diyos nang walang paggalang at walang panalangin; kapag hindi nakatuon sa Diyos ang pag-iisip at damdamin o nakasang-ayon sa Kanyang kalooban, nalalambungan ang pagiisip ng pag-aalinlangan; at sa mismong pag-aaral ng Biblia, lumalakas ang pagdududa. Kinukontrol ng kaaway ang kaisipan, at nagmumungkahi siya ng mga interpretasyong hindi wasto.TKK 103.5

    Kapag hindi naghahanap ang mga tao, sa salita at gawa, na makipagkasundo sa Diyos, gaano man sila katalino, malaki ang pagkakataong magkamali sila sa kanilang pag-unawa sa Kasulatan, at hindi ligtas na magtiwala sa kanilang mga paliwanag. Kapag tunay tayong nagsisikap na gampanan ang kalooban ng Diyos, kinukuha ng Banal na Espiritu ang mga alituntunin ng Kanyang Salita at ginagawa silang mga panuntunan ng buhay, na isinusulat ang mga ito sa kaluluwa. At sila lamang na sumusunod sa liwanag na nabigay na ang makakaasang tumanggap ng higit pang kaliwanagan ng Espiritu.— TESTIMONIES FOR THE CHURCH, vol. 5, pp. 704, 705.TKK 103.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents