Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Kabahagi ng Banal na Likas, Pebrero 4

    Gayon Niya ipinagkaloob sa atin ang Kanyang mahahalaga at mga dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makatakas kayo sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa, at maging kabahagi kayo sa likas ng Diyos, 2 Pedro 1:4,TKK 42.1

    Ang isang malusog na Kristiyano ay isang nabuo sa loob si Cristo, ang pag-asa sa kaluwalhatian (Colosas 1:27). Mahal niya ang katotohanan, kalinisan, at kabanalan, at magpapakita ng espiritwal na kasiglahan, palibhasa'y may pagmamahal para sa Salita ng Diyos, at nagsisikap na makipag-usap sa mga nakaaalam ng Salita, para mahagip niya ang bawat sinag ng liwanag na ipinaabot ng Diyos sa kanila, na naghahayag kay Cristo at ginagawa Siyang mas mahalaga sa kaluluwa. Natutuklasan ng taong may maayos na pananampalataya na si Cristo ang buhay ng kaluluwa, na Siya sa kanya ay isang balon ng tubig na bumubukal sa buhay na walang hanggan, at natutuwa siyang iayon ang bawat kakayahan ng kaluluwa sa pagsunod sa kanyang Panginoon. Ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng bumubuhay na impluwensya nito ay laging iniingatan ang ganyang kaluluwa sa pag-ibig ng Diyos.TKK 42.2

    Sa Kristiyano ay isinulat: “Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan sa pagkakilala sa Diyos at kay Jesus na Panginoon natin. Ipinagkaloob sa atin ng Kanyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos, sa pamamagitan ng pagkakilala sa Kanya na tumawag sa atin sa Kanyang sariling kaluwalhatian at kabutihan. Gayon Niya ipinagkaloob sa atin ang Kanyang mahahalaga at mga dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay makatakas kayo sa kabulukang nasa sanlibutan dahil sa masamang pagnanasa, at maging kabahagi kayo sa likas ng Diyos. At dahil dito, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya na tustusan ang inyong pananampalataya ng kabutihan; ang kabutihan ng kaalaman; ang kaalaman ng pagpipigil; ang pagpipigil ng pagtitiis; ang pagtitiis ng pagiging maka-Diyos; at ang pagiging maka-Diyos ng pagmamahal sa kapatid; at ang pagmamahal sa kapatid ng pag-ibig. Sapagkat kung ang mga bagay na ito ay nasa inyo at dumarami, hindi kayo magiging mga walang saysay o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sinumang wala ng mga bagay na ito ay bulag at ang nasa malapit lamang ang nakikita, at nakalimutan na siya ay nilinis mula sa kanyang dating mga kasalanan. Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na patatagin ang pagkatawag at pagkapili sa inyo, sapagkat kung gawin ninyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod kailanman. Sapagkat sa ganitong paraan ay masaganang ibibigay sa inyo ang pagpasok sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo” (2 Pedro 1:2-11).— REVIEW AND HERALD, December 11,1894.TKK 42.3

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents