Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kadalisayan, Marso 23

    “Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos,” Mateo 5:8.TKK 90.1

    Kapag lubos na naalis ang sarili sa isang tao, kapag ang bawat huwad na diyus-diyosan ay napalayas sa kaluluwa, ang bakante ay napupunan ng pagdaloy ng Espiritu ni Cristo. Ang ganyang tao ay may pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig at dinadalisay ang kaluluwa sa bawat bahid na moral at espiritwal. Kayang gumawa sa puso ng Banal na Espiritu, ng Mang-aaliw, na nag-iimpluwensya at gumagabay anupa't nasisiyahan yung tao sa mga espiritwal na bagay. Siya'y “sang-ayon sa Espiritu” (Roma 8:1), at binibigyang-pansin niya ang mga bagay ng Espiritu. Wala siyang pagtitiwala sa sarili; si Cristo lang ang lahat-lahat. Tuluy-tuloy na ipinahahayag ng Banal na Espiritu ang katotohanan; buong kaamuan niyang tinatanggap ang salitang naihugpong, at ibinibigay niya sa Panginoon ang lahat ng kaluwalhatian, na sinasabing, “Ang mga ito ay ipinahayag sa amin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu” (1 Corinto 2:10). “Ngayon ay aming tinanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritung mula sa Diyos, upang aming malaman ang mga bagay na walang bayad na ibinigay sa amin ng Diyos” (talatang 12).TKK 90.2

    Ang Espiritung nagpapahayag ay tinatrabaho rin sa kanya ang mga bunga ng katuwiran. Si Cristo sa kanya'y “isang bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan” (Juan 4:14). Siya ay sanga ng Tunay na Puno, at nagbubunga ng masaganang kumpol ng prutas para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ano ang katangian ng bunga? “Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig.” Tandaan mo ang mga salita—pag-ibig, hindi galit; katuwaan, hindi kawalang-kontento at pamamanglaw; kapayapaan, hindi pagkairita, pag-aalala, at mga sinadyang pagsubok. Ito'y “pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili. Laban sa mga ito ay walang kautusan” (Galacia 5:22, 23).TKK 90.3

    Silang meron nitong Espiritung ito ay magiging masisikap na kamang-gagawa ng Diyos; nakikipagtulungan sa kanila ang mga may-talinong nilalang ng kalangitan, at sila'y hahayo na pinabigat ng espiritu ng mensahe ng katotohanang dala nila. Sila'y panoorin ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao (1 Corinto 4:9). Sila'y pinarangal, at dinalisay, sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu at paniniwala sa katotohanan. Hindi sila nagdala sa kabang-yaman ng kaluluwa ng kahoy, dayami, o pinaggapasan, kundi ginto, pilak, at mahahalagang bato. Bumibigkas sila ng mga salitang may solidong kabuluhan, at mula sa mga kayamanan ng puso ay naglalabas ng mga dalisay at sagradong bagay ayon sa halimbawa ni Cristo.— THE HOME MISSIONARY, November 1, 1893 .TKK 90.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents