Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Banal na Mensahe sa Wika ng Tao, Agosto 4

    Noong unang panahon, ang Diyos ay nagsalita sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, subalit sa mga huling araw na ito ay nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak, na kanyang itinalagang tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan din niya'y ginawa ang mga sanlibutan. Hebreo 1:1,2.TKK 229.1

    Ibinigay sa atin ang Biblia hindi sa pinakamataas na wikang hindi naiintindihan ng tao. Si Jesus, para maabot ang tao kung nasaan siya, ay nagkatawang tao. Dapat ibigay ang Biblia sa wika ng tao. Anumang sa tao ay hindi sakdal. Iba't ibang kahulugan ang ipinahahayag ng iisang salita; walang isa lamang salita para sa isang malinaw ni ideya. Ibinigay ang Biblia para sa praktikal na mga layunin.TKK 229.2

    Magkakaiba ang selyo ng isipan. Ang lahat ay hindi parehong nakakaunawa ng ekspresyon at mga pahayag. Ang iba ay naiintidihan ang ilang mga pahayag ng mga Kasulatan at umaayon sa sarili nilang partieular na isipan at sitwasyon. Ang mga palagay, kinikilingan, at silakbo ng damdamin ay may malakas na impluwensiya para padilimin ang pagkaunawa at lituhin ang isipan kahit sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan TKK 229.3

    Ang Biblia ay sinulat ng mga taong kinasihan, ngunit hindi ito sa paraan ng pag-iisip at ekspresyon ng Diyos. Ito ay sa mga tao. Ang Diyos, bilang manunulat, ay hindi kinakatawanan. Madalas na sinasabi ng tao na ang pahayag na iyon ay hindi gaya ng Diyos. Ngunit hindi inilagay ng Diyos ang Kanyang sarili sa mga salita, sa lohika, sa retorika, sa paglilitis sa Biblia. Ang mga manunulat ng Biblia ay mga manunulat ng Diyos at hindi ang Kanyang panulat. Tingnan ang iba't ibang mga manunulat.TKK 229.4

    Hindi ang mga salita ng Biblia ang kinasihan, sa halip ang mga tao ang kinasihan. Ang pagkasi ay kumikilos hindi sa mga salita ng tao o sa kanyang mga pahayag sa halip ay sa tao mismo, na, sa ilalim ng impluwensiya ng Banal na Espiritu, ay pinuno ng mga kaisipan. Ngunit ang mga salita at mga kaisipan ay tinatanggap ang idinidiin ng indibidwal na isipan. Ang banal na kaisipan ay lumalaganap. Ang banal na kaisipan at kalooban ay sinasamahan ng isipan at kalooban ng tao; sa gayon ang mga pahayag ng tao ay Salita ng Diyos.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, pp. 20,21 .TKK 229.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents