Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Mga Dahilan Para sa Kaloob: Ang Bigyang-kahulugan ang Katotohanan, Agosto 12

    “Sa pagsimula ng iyong mga samo ay lumabas ang salita, at ako'y naparito upang sabihin sa iyo; sapagkat ikaw ay lubhang minamahal, Kaya't isaalang- alang mo ang salita at unawain ang pangitain” Daniel 9:23,TKK 237.1

    Sa paglipas ng panahon noong 1844 nagsaliksik kami para sa katotohanan na gaya sa nakatagong kayamanan. Nakipagugnayan ako sa mga kapatid, at kami'y nag-aral at nanalangin nang taimtim. Madalas nananatili kaming magkakasama hanggang hatinggabi, na nananalangin para sa liwanag at nagaaral ng Salita. Paulit-ulit ang mga kapatid na ito ay nagtipon para pag-aralan ang Biblia, upang kanilang malaman ang kahulugan nito, at maging handang ituro na may kapangyarihan. Nang dumating sila sa punto ng kanilang pag-aaral kung saan kanilang sinabi, “Wala na kaming magagawa,” ang Espiritu ng Diyos ay darating sa akin. Ako'y dadalhin sa pangitain, at ibibigay sa akin ang malinaw na pagpapaliwanag ng mga talata na aming pinag-aaralan, na may tagubilin kung paano kami gagawa at epektibong magtuturo. Gayon ang liwanag ay ibinigay na tumutulong sa ating maunawaan ang mga kasulatan tungkol kay Cristo, ang Kanyang misyon, at Kanyang pagkasaserdote. Ang mga linya ng katotohanan mula nang panahong iyon hanggang sa panahong tayo'y papasok sa siyudad ng Diyos ay ginawang maliwanag sa akin, at ibinigay ko sa iba ang mga tagubilin na ibinigay ng Panginoon sa akin.TKK 237.2

    Hanggang sa mga panahong ito ay hindi ko maunawaan ang pagdadahilan ng mga kapatiran. Naisarado ang aking isipan, gaya ng dati, at hindi maunawaan ang kahulugan ng mga kasulatan na aming pinag-aaralan. Isa ito sa mga dakilang kalungkutan sa aking buhay. Ako'y nasa ganitong kalagayan ng kaisipan hanggang ang pangunahing mga punto ng aming pananampalataya ay bigyang linaw sa aming mga kaisipan, na kasang-ayon sa Salita ng Diyos. Alam iyon ng mga kapatid na, kung hindi sa pangitain, hindi ko maiintindihan ang mga bagay na ito, at kanilang tinaggap, bilang liwanag na direktang mula sa langit, ang mga pahayag na ibinigay.TKK 237.3

    Maraming pagkakamali ang bumangon, at bagamat ako'y higit lamang sa isang bata, sinugo ako ng Panginoon mula sa isang lugar hanggang sa panibago para pagwikaan yaong mga nanghahawak sa mga maling doktrinang ito. Ito yaong mga nasa panganib tungo sa pagiging panatiko, at tinawagan ako sa pangalan ng Panginoon na magbigay sa kanila ng babala mula sa langit.—REVIEW AND HERALD, May 25,1905.TKK 237.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents