Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Mang-aaliw: Pagbibigay ng Kinasihang Payo, Agosto 9

    Sapagkat mula sa maraming kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; hindi upang kayo'y maging malungkot kundi upang inyong malaman ang masaganang pag-ibig na taglay ko para sa inyo, 2 Corinto 2:4,TKK 234.1

    Nang pumunta ako sa Colorado ako'y nabibigatan para sa iyo na, sa aking kahinaan, sumulat ako ng maraming mga pahina para basahin sa inyong pagpupulong. Mahina at nangangamba, bumangon ako ng ikatlo ng umaga para sumulat sa iyo. Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng luwad. Maaaring sabihin mo mo na ang komunikasyong ito ay sulat lamang. Oo, ito ay sulat, ngunit inudyukan ng Espiritu ng Diyos, para dalhin sa inyong mga isipan ang mga bagay na ipinakita sa akin. Sa mga sulat na ito na aking sinusulat, sa mga patotoong aking dinadala, aking ipinahahayag sa inyo ang mga bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon. Hindi ako sumusulat ng isang artikulo sa papel, na nagpapahayag lamang ng sarili kong mga ideya. Ang mga ito ay ang binuksan ng Diyos sa akin sa pangitain—ang mahalagang mga sinag ng liwanag mula sa luklukan. . . .TKK 234.2

    Anong tinig ang inyong kikilalanin bilang tinig ng Diyos? Anong kapang- yarihan ang inilaan ng Panginoon para itama ang inyong mga pagkakamali at ipakita sa inyo ang tinatahak Ninyo kung ano ito? Anong kapangyarihan ang gagawa sa iglesya? Kung tatanggihan ninyong maniwala hanggang ang bawat anino ng pag-aalinlangan at lahat ng posibilidad ng pagdududa ay matanggal, hindi kayo maniniwala. Ang pagdududa na humihingi ng sakdal na kaalaman ay hindi magdadala sa pananampalataya. Ang pananampalataya ay nakabatay sa ebidensya at hindi s a pagpapakita. Hinihingi sa atin ng Panginoon na sumunod sa tinig ng tungkulin, habang maraming mga tinig sa palibot natin na pumipilit sa ating tunguhin ang kabaliktaran. Nangangailangan ito ng masusing atensyon mula sa atin para kilalanin ang tinig na nagsasalita mula sa Diyos. Dapat nating labanan at pagtagumpayan ang kinahiligan, at sundin ang tinig ng konsensya nang walang pagtatanong o kompromiso, kung hindi ay hihinto ang pagtawag nito at ang kalooban at ang damdamin ang pipigil.TKK 234.3

    Ang salita ng Panginoon ay dumarating sa ating lahat na hindi nilabanan ang Kanyang Espiritu sa pamamagitan ng hindi pakikinig at pagsunod. Ang tinig na ito ay naririnig sa mga babala, sa mga payo, sa pagsumbat. Ang mga ito ay mensahe ng liwanag ng Panginoon sa Kanyang bayan. Kung maghihintay tayo ng mas malakas na mga pagtawag o mas magandang pagkakataon, ang liwanag ay maaaring iurong, at tayo'y maiwan sa kadiliman.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, pp. 27,28 .TKK 234.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents