Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Isang Tuluy-tuloy na Daloy ng Langis, Enero 9

    Sa ikalawang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang sangang olibo na nasa tabi ng dalawang gintong tubo na dinadaluyan ng langis?” Sinabi niya sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko'.’ Nang magkagayo'y sinabi niya, “Ito ang dalawang binuhusan ng langis na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa” Zacarias 4:12-14.TKK 15.1

    Ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Banal na Espiritu sa iglesya ay inilalarawan ni propeta Zacarias sa isa pang simbolo, na naglalaman ng napakagandang leksyon ng pampasigla para sa atin. Sabi ng propeta: “Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay bumalik at ginising ako, na gaya ng taong ginigising sa pagkakatulog. Sinabi niya sa akin, ‘Ano ang iyong nakikita?’ Aking sinabi, ‘Ako'y tumingin, at nakita ko, at narito, ang isang ilawan na purong ginto na may mangkok sa ibabaw niyon; may pitong ilawan sa ibabaw niyon, at may pitong tubo sa bawat isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyon. May dalawang puno ng olibo sa tabi niyon, isa sa dakong kanan ng mangkok, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyon.’TKK 15.2

    “Sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, ‘Ano ang mga ito, panginoon ko?'.. Sinabi niya sa akin, ‘Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng Aking Espiritu,’ sabi ng Panginoon ng mga hukbo.... Sa ikalawang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya, ‘Ano itong dalawang sangang olibo na nasa tabi ng dalawang gintong tubo na dinadaluyan ng langis?'.. Nang magkagayo'y sinabi niya, ‘Ito ang dalawang binuhusan ng langis na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa’ ” (Zacarias 4:1-14).TKK 15.3

    Mula sa dalawang puno ng olibo, dumadaloy ang gintong langis sa pamamagitan ng mga gintong daluyan patungo sa mangkok ng kandelero, at mula doo'y patungo sa mga gintong ilawan na nagbibigay ng liwanag sa santuwaryo. Kaya't mula sa mga banal na tumatayo sa presensiya ng Diyos, ibinibigay ang Kanyang Espiritu sa mga taong instrumento na nagtatalaga sa Kanyang serbisyo. Ang misyon ng dalawang pinahiran ay magbigay ng liwanag at kapangyarihan sa bayan ng Diyos. Nakatayo sila sa presensiya ng Diyos upang tumanggap ng pagpapala na para sa atin. Kung paanong ibinubuhos ng mga puno ng olibo ang kanilang sarili sa mga gintong daluyan, gayundin isinasalin ng mga makalangit na sugo ang lahat ng tinatanggap nila mula sa Diyos. Naghihintay ang buong makalangit na kayamanan para sa ating paghingi at pagtanggap; at habang tinatanggap natin ang pagpapala, kailangan din naman natin itong ipamigay. Sa gayo'y natutustusan ang mga banal na ilawan, at nagiging tagapagdala ng liwanag ang iglesya sa sanlibutan.— REVIEW AND HERALD, March 2,1897.TKK 15.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents