Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagpapakumbaba, Marso 29

    Ako'y nanalangin sa Panginoon kong Diyos, at nagpahayag ng kasalanan na sinasabi, “O Panginoon, Diyos na dakila at kakila-kilabot, na nag-iingat ng tipan at tapat na pag-ibig sa umiibig sa lyo at nag-iingat ng lyong mga utos. Kami ay nagkasala, gumawa ng pagkakamali, kumilos na may kasamaan, naghimagsik at tumalikod sa lyong mga utos at mga batas,” Daniel 9:4, 5.TKK 96.1

    Ang huwad na pagpapakabanal ay may kasamang mapagmayabang at mapagmatuwid sa sariling espiritu na hindi kilala ng relihiyon ng Biblia. Kaamuan at pagpapakumbaba ang bunga ng Espiritu. Ang propetang si Daniel ay halimbawa ng tunay na pagpapakabanal. Ang mahaba niyang buhay ay puno ng marangal na paglilingkod para sa kanyang Panginoon. Siya'y isang “lalaking pinakamamahal” ng kalangitan (Daniel 10:11), at binigyan ng gayong mga karangalan na bihirang marapatin para sa mga taong mortal. Pero ang kanyang kalinisan ng karakter at di-natitinag na katapatan ay napantayan lamang ng kanyang kapakumbabaan at pagsisisi.TKK 96.2

    Imbes na sabihing siya'y dalisay at banal, ibinilang ng pinararangalang propetang ito ang kanyang sarili sa mga talagang makasalanan sa Israel, habang nagsusumamo siya sa Diyos para sa kanyang bayan: “Hindi namin inihaharap ang aming mga pagsamo sa harapan Mo dahil sa aming mga katuwiran, kundi dahil sa Iyong dakilang awa” (Daniel 9:18). “Kami ay nagkasala, kami ay gumawa ng kasamaan” (talatang 15). At “dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga ninuno, ang Jerusalem at ang Iyong bayan ay naging kahiya-hiya” (talatang 16).TKK 96.3

    Ang sabi niya, “Ako'y nagsasalita at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel” (talatang 20). At nang bandang huli'y magpakita ang Anak ng Diyos bilang tugon sa kanyang mga panalangin para bigyan siya ng tagubilin, ang sabi niya, “Ang aking kulay ay namutlang parang patay at walang nanatiling lakas sa akin” (Daniel 10:8).TKK 96.4

    Yung mga tunay na nagsisikap na pakasanayin ang Kristiyanong karakter ay hindi pagbibigyan ang kaisipang wala silang kasalanan. Habang higit na pinagtutuunan ng kanilang isipan ang karakter ni Cristo, at habang mas malapit nilang nakukuha ang Kanyang banal na larawan, mas malinaw din nilang nakikita ang walang-dungis na kasakdalan nito, at mas malalim nilang madarama ang sarili nilang kahinaan at mga depekto. Silang nagsasabing walang-kasalanan ay nagbibigay ng katibayan na malayo sila sa pagiging banal. Ito'y dahil wala silang tunay na pagkakilala kay Cristo kaya ang tingin nila sa kanilang sarili ay ipinapakita ang Kanyang wangis. Kung mas malaki ang distansya sa pagitan nila at ng kanilang Tagapagligtas, mas nagiging matuwid ang tingin nila sa kanilang sarili.— THE SPIRIT of PROPHECY, vol. 4, pp. 301, 302 .TKK 96.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents