Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagdepende, Marso 30

    Hindi sa ito'y aking nakamit na, o ako'y sakdal na; kundi nagpapatuloy ako upang iyon ay aking maabot, kung paanong ako ay inabot din ni Cristo Jesus, Filipos 3:12,TKK 97.1

    Ang karanasan ng Kristiyano sa pinakauna niyang pag-ibig ay puno ng kasimplehan at kasariwaan; pero habang dumarami ang kanyang mga pagkakataon, dapat ding lumawak ang kanyang karanasan, at nadaragdagan ang kanyang kaalaman. Dapat siyang maging malakas para makapagpasan ng responsibilidad, at ang kanyang paglago ay dapat na kasukat ng kanyang mga pribilehiyo . . .TKK 97.2

    Ngunit malibang may oras-oras na pagdepende kay Cristo, ang lumalagong karunungan at mga pribilehiyo ay hahantong sa pagtitiwala sa sarili at pagiging matuwid sa sarili. Nasa panganib ang bata pang Kristiyano na makalimutan na si Cristo ang nagpasimula ng mabuting gawa sa kanya, at si Cristo rin ang dapat na magtapos nito (Filipos 1:6). Kailangang itakwil ng kaluluwa ang lahat ng kagalingan nito, at magtiwala nang lubos sa kagalingan Niya na sobrang talino para magkamali. Sa kanyang sarili ay walang magagawang mabuti ang tao. Ang sabi ni Jesus, “Kung kayo'y hiwalay sa Akin ay wala kayong magagawa” (Juan 15:5). Kailangang panatilihin ng kaluluwa ang sarili nito sa Diyos.TKK 97.3

    Sa regalo ni Cristo ay nabuhos ang buong kalangitan, at sa pamamagitan ni Cristo ay ipinangako ang Banal na Espiritu sa mananampalataya. Sabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa Aking pangalan, Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng Aking sinabi sa inyo” (Juan 14:26). Hindi lamang kapatawaran ang iniaalok ni Cristo sa sumasampalataya at nagsisising kaluluwa, kundi ipinapangako Niya sa kanya ang palagiang tulong ng Banal na Espiritu.TKK 97.4

    Sa pagtubo ng binhi sa lupa, hindi nakikita ng tao ang paggawa ng mga di-nakikitang ahensya na nagpapalago sa halaman hanggang sa kasakdalan, na pinatutubo una ang usbong, saka ang uhay, pagkatapos ay ang uhay na hitik sa butil (Marcos 4:28). Pero kahit mura pa sa pananampalataya, puwede mong malaman na lumipat ka na sa buhay mula sa kamatayan, kung makikita ang mga bunga ng Espiritu sa iyong buhay (Juan 5:24). Kung lumalago ka sa pananampalataya at pag-asa at pag-ibig, puwede mong malaman na nilinaw na ang espiritwal mong pananaw. Kung natutuwa kang pagtuunan ng isipan ang panukala ng kaligtasan, ang maluwalhating paghahayag ng karakter ng Diyos, kung ang puso mo, sa pagninilay-nilay sa pagmamahal ng Diyos, ay umaalab sa pasasalamat at katuwaan, makatitiyak kang niliwanagan ka na ng mga sinag ng Banal na Espiritu, at pinagugulang ng mga makalangit na ahensya ang iyong karakter sa Kristiyanong pamumuhay.— THE SIGNS OF THE TIMES, March 27,1893 .TKK 97.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents