Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nabago ang mga Iniisip, Pebrero 13

    Kahuli-hulihan, mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na kapuri-puri, kung mayroong anumang kagalingan, at kung may anumang nararapat papurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito, Filipos 4:8,TKK 51.1

    Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang gawaing dapat gawin, para ihanda sa gawain ang ating mga pag-iisip, na supilin ang sarili, na magbantay sa pananalangin (1 Pedro 1:13). Dapat matatag na kontrolin ang pag-iisip na ang isipin ay mga paksang magpapalakas sa mga kakayahang moral. Dapat maagang magsimula ang mga kabataan na humubog ng mga tamang gawi ng pag-iisip. Kailangan nating disiplinahin ang isipang mag-isip nang nakabubuti, at hindi ito hayaang mag-isip ng masasamang bagay. Bulalas ng mang-aawit, “Nawa'y ang mga salita ng bibig ko, at ang pagbubulay-bulay ng aking puso ay maging katanggap-tanggap sa paningin Mo, O Panginoon, ang aking Malaking Bato at Manunubos ko” (Awit 19:14).TKK 51.2

    Habang gumagawa ang Diyos sa puso sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, kailangang makipagtulungan sa Kanya ang tao. Ang mga iniisip ay dapat talian, pigilan, patigilin sa pagsanga at pagbubulay-bulay sa mga bagay na magpapahina at magpaparumi lamang sa kaluluwa. Dapat na maging dalisay ang mga iniisip, dapat malinis ang mga pagmumuni-muni ng puso, kung gusto nating maging katanggap-tanggap sa langit ang mga salita ng bibig, at makatutulong sa iyong mga kasamahan. Ang sabi ni Cristo sa mga Fariseo, “Kayong lahi ng mga ulupong! Paano kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay gayong kayo ay masasama? Sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig. Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabuting kayamanan, at ang masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa kanyang masamang kayamanan. Subalit sinasabi Ko sa inyo, na sa araw ng paghuhukom ay pananagutan ng mga tao ang bawat salitang binigkas na walang ingat. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay pawawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong salita ay mahahatulan ka” (Mateo 12:34-37).TKK 51.3

    Sa Sermon sa Bundok, inilahad ni Cristo sa Kanyang mga alagad ang malalawak na prinsipyo ng kautusan ng Diyos. Itinuro Niya sa Kanyang mga tagapakinig na ang kautusan ay nalalabag sa pamamagitan ng mga pag- iisip bago pa man aktuwal na isakatuparan ang masamang pagnanasa. May obligasyon tayong kontrolin ang ating mga iniisip, at ipasakop ang mga ito sa kautusan ng Diyos.— REVIEW AND HERALD, June 12,1888 .TKK 51.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents