Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagtitiwala sa Kanyang Pangako, Oktubre 23

    Kaya't lumapit tayong may katapangan sa trono ng biyaya, upang tayo'y tumanggap ng awa, at makatagpo ng biyaya na makakatulong sa panahon ng pangangailangan, Hebreo 4:16,TKK 311.1

    Hindi iiwan ng Panginoon ang Kanyang nagdurusa at nasusubukang mga anak na maging libangan ng mga tukso ni Satanas. Pribilehiyo nating magtiwala kay Jesus. Puno ang mga langit ng saganang mga biyaya, at pribilehiyo nating magkaroon ng kaligayahan ni Cristo sa atin upang maging lubos ang ating kaligayahan. Hindi tayo nagkakaroon dahil hindi tayo humihingi, o dahil hindi tayo nananalangin nang may pananampalataya, na naniniwala na tayo ay pagpapalain ng espesyal na impluwensiya ng Banal na Espiritu. Ipinagkakaloob sa tunay na naghahanap sa gawain ng pamamagitan ni Cristo ang mapagbiyayang impluwensiya ng Banal na Espiritu upang ang tumatanggap ay makapagbibigay ng kaalaman ng nagliligtas na katotohanan. TKK 311.2

    Bakit hindi tayo naniniwala sa simpleng “Ganito ang sabi ng Panginoon”? Huwag tumigil sa pananalangin sa kahit anumang pagkakataon. Maaaring nagnanais ang Espiritu ngunit mahina ang laman, pero alam ni Jesus ang lahat tungkol doon. Sa iyong kahinaan ay hindi ka dapat mabalisa; sapagkat ang pagkabalisa ay nangangahulugang pagdududa at kawalan ng pagtitiwala. Maniwala ka lamang na may kakahayan si Cristo na magligtas nang lubos sa lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya, yamang Siya ay nabubuhay upang mamagitan para sa atin.TKK 311.3

    Ano ang sakop ng pamamagitan? Ito ang ginintuang tanikala na nagbibigkis sa sangkatauhang may hangganan sa luklukan ng Diyos na walang hanggan. Ang taong kinamatayan ni Cristo upang maligtas ay nagsusumamo sa luklukan ng Diyos, at ang kanyang panalangin ay tinatanggap ni Cristo, na bumili sa kanya ng Kanyang sariling dugo. Inilalagay ng ating Dakilang Saserdote ang Kanyang katuwiran sa panig ng taos-pusong nagsusumamo, at ang panalangin ni Cristo ay humahalo sa panalangin ng taong humihiling.TKK 311.4

    Hinihimok ni Cristo na manalangin nang walang tigil ang Kanyang bayan. Hindi ito nangangahulugang dapat lagi tayong nakaluhod, sa halip ang pananalangin ay maging tulad ng paghinga ng kaluluwa. Ang ating tahimik na mga kahilingan, saan man tayo naroroon, ay pumapaitaas sa Diyos, at si Jesus, na ating tagapagtanggol, ay nagsusumamo para sa atin, dinadala kasama ng insenso ng Kanyang katuwiran ang ating mga kahilingan sa Ama.TKK 311.5

    Iniibig ng Panginoong Jesus ang Kanyang bayan, at kapag inilalagay nila ang kanilang pagtitiwala sa Kanya, na lubos na nagtitiwala sa Kanya, pinapalakas Niya sila. Mabubuhay Siya sa pamamagitan nila, ipinagkakaloob sa kanila ang inspirasyon ng Kanyang nagpapabanal na Espiritu, ibinabahagi sa kaluluwa ang isang napakahalagang pagsasalin ng Kanyang sarili.— SABBATH-SCHOOL wORKER, February 1,1896.TKK 311.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents