Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nalinis na Bahay, Pebrero 17

    Lumalang Ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos; at muli Mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko. Awit 51:10.TKK 55.1

    Lumalang Ka sa akin ng isang malinis na puso.” Pagsisimula ito nang tama, at nasa pinakapundasyon ng Kristiyanong karakter; sapagkat nagmumula sa puso ang mga bukal ng buhay. Kung sisiguruhin ng lahat, mga ministro at kapatiran, na tama sa Diyos ang kanilang mga puso, makakakita tayo ng mas malalaking resulta mula sa mga ginagawang paglilingkod. Kung mas mahalaga at may pananagutan ang inyong gawain, mas malaki rin ang pangangailangang magkaroon kayo ng malilinis na puso. Inilaan na ang kailangang biyaya, at gagawa ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa bawat pagsisikap sa direksyong ito.TKK 55.2

    Kung buong sikap at tiyaga Siyang hahanapin ng bawat anak ng Diyos, magkakaroon ng higit na paglago sa biyaya. Titigil ang mga pag-aaway; magkakaroon ng iisang puso at iisang isipan ang mga mananampalataya; at maghahari ang kadalisayan at pagmamahalan sa iglesya. Sa pamamagitan ng pagtingin, tayo'y nababago. Kung higit mong pinagninilayan ang karakter ni Cristo, higit ka ring magiging kaayon ng Kanyang larawan. Lumapit ka kay Jesus kung ano ka man, at tatanggapin ka Niya, at lalagyan ng bagong awit ang iyong bibig, maging papuri sa Diyos “Sa Iyong harapan ay huwag Mo akong paalisin, at ang Iyong banal na Espiritu sa akin ay huwag Mong bawiin” (Awit 51:11). Regalo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ang pagsisisi at pagpapatawad. Sa pamamagitan ng impluwensya ng Banal na Espiritu tayo nakukumbinsi sa pagkakasala, at nakadarama ng pangangailangan natin ng kapatawaran. Walang ibang patatawarin maliban sa nagsisisi; pero ang biyaya ng Panginoon ang kumikilos sa puso para magsisi. Alam Niya ang lahat ng ating kahinaan at pag-aalinlangan, at tutulungan Niya tayo. Diringgin Niya ang panalanging may pananampalataya; pero mapapatunayan lamang ang sinseridad ng panalangin sa pamamagitan ng mga pagsisikap nating iayon ang ating sarili sa dakilang pamantayang moral na susubok sa karakter ng bawat tao.TKK 55.3

    Kailangan nating buksan ang ating mga puso sa impluwensya ng Espiritu, at maranasan ang bumabagong kapangyarihan nito. Ang dahilan kung bakit hindi ka nakatatanggap nang higit sa nagliligtas na tulong ng Diyos ay dahil barado ng kamunduhan, hilig sa pagpapasikat, at hangaring mangibabaw ang daluyan ng komunikasyon sa pagitan ng Langit at ng sarili mong kaluluwa. Samantalang may mga paayon nang paayon sa mga kaugalian at kasabihan ng sanlibutan, dapat naman nating hubugin ang ating mga buhay ayon sa banal na modelo. At ibabalik sa atin ng Diyos nating tumutupad sa Kanyang tipan ang mga katuwaan ng Kanyang pagliligtas at itataas tayo sa pamamagitan ng libre Niyang Espiritu.— REVIEW AND HERALD, June 24,1884 .TKK 55.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents