Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    May Kaloobang Handang Maturuan, Abril 11

    “Ganito ang sabi ng PANGINOON: ‘Tumayo kayo sa mga daan at tumingin, at ipagtanong ninyo ang mga sinaunang landas, kung saan naroon ang mabuting daan; at lumakad kayo roon, at kayo'y makakatagpo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa, Ngunit kanilang sinabi, “Hindi kami lalakad doon”‘ ” Jeremias 6:16,TKK 110.1

    Pagkatapos humingi sa Panginoon ng pagkakaalam ng Kanyang kalooban, ng makalangit na karunungan, ng liwanag ng Banal na Espiritu, kapag ang nananalangin ay magsasaliksik sa Kasulatan, matatagpuan niyang ang mga talatang dating madilim sa kanyang pag-iisip ay biglang magiging malinaw, at makauunawa siya nang higit pa sa dati. Sinabi ni Jesus: “Ang turo Ko ay hindi Akin, kundi sa Kanya na nagsugo sa Akin. Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos, o kung Ako'y nagsasalita mula sa Aking sarili” (Juan 7:16, 17).TKK 110.2

    Ipinapangako ang kaalaman ng banal na katotohanan sa mga susunod sa liwanag at katotohanang ibinigay sa kanila. Hindi nakasalalay sa pag-aangkin ng edukasyon o kayamanan ang pagpasok sa makipot na pintuan, kundi sa pagkakaroon ng espiritung handang maturuan. Tatanggap ng higit pang liwanag ang nagpapahalaga sa unang sinag ng makalangit na liwanag, at gumagamit dito, lumalakad dito, na kumikilos nang angkop sa sinag na iyon, at pinababanal nito. Mauunawaan niyang ang ebanghelyo ang panukala ng kaligtasan TKK 110.3

    Siyang may masunuring puso, na handang sumunod sa kalooban ng Diyos, ay hindi lamang magalak na tatanggap sa katotohanan, kundi masikap na maghahanap sa katotohanan gaya ng nakatagong yaman. Lalapit siya sa Kasulatan nang may espiritung mapagpakumbaba at handang maturuan, na nagnanasang maunawaan kung paano siya makalalakad sa liwanag, na nagsasabing. “Panginoon, ano ang nais Mong aking gawin?” (Gawa 9:6). Nakahanda siyang isakripisyo ang kahit ano at ang lahat upang maging kasang-ayon sa kalooban ng Diyos.TKK 110.4

    Hindi palaging madaling sumunod sa kalooban ng Diyos. Nangangailangan ng tibay ng layunin ang pagpasok sa makitid na pintuan at paglalakbay sa makipot na landas na humahantong sa walang hanggang buhay, sapagkat may mga tinig sa bawat panig na nag-aanyaya sa kaluluwa sa mga landas na nasa tabi at ipinagbabawal. Silang nagmamahal sa kayamanan, karangalan, at mataas na posisyon ay hindi papasok sa makitid na pintuan malibang hiwalayan nila ang kanilang mga diyus-diyosan. Hindi magkakasya ang pumapasok sa makipot na pintuang dala ang mga bagay ng sanlibutang ito.TKK 110.5

    Siyang pumapasok sa makipot na pintuan ay kailangang lubos na italaga ang lahat ng kanya sa Diyos. Sinasabi ni Jesus, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa Akin, tanggihan niya ang kanyang sarili, at pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa Akin” (Mateo 16:24).— REVIEW AND HERALD, Mareh 28,1912.TKK 110.6

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents