Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pagkakaiba-iba ng Istilo, Agosto 2

    Kaya't mayroon kaming salita ng propesiya na lalong tiyak, Mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong pagtutuunan ng pansin, gaya sa isang ilawang tumatanglaw sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang-liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso, 2 Pedro 1:19,TKK 227.1

    Kinailangan ng mga manunulat ng Biblia na ihayag ang kanilang mga ideya sa wika ng tao. Isinulat ito ng mga tao. Ang mga taong ito ay kinasihan ng Banal na Espiritu. Dahil sa mga kakulangan ng pagkaunawa ng tao sa wika, o pagiging baluktot ng isip ng tao, na mahusay sa pag-iwas ng katotohanan, marami ang nagbabasa at umuunawa sa Biblia para masiyahan ang sarili. Hindi dahil sa ang pagiging mahirap ay nasa Biblia. Nagtatalo ang mga nagkakalabang politiko sa punto ng kautusan sa aklat ng batas, at nagkakaiba ng pananaw sa kanilang paggamit ng mga batas.TKK 227.2

    Ibinigay sa mga tao ang mga kasulatan, hindi sa magkakasunod-sunod na tanikala ng hindi napuputol na mga pahayag, sa halip ay isa-isang piraso sa magkakasunod na mga henerasyon, kung paanong ang Diyos sa kanyang kalooban ay nakakita ng pagkakataon para ikintal sa tao sa magkakaibang panahon at magkakaibang lugar. Nagsulat ang mga tao habang sila'y kinakasihan ng Banal na Espiritu. Mayroong, “una ang usbong, sunod ang pamumulaklak, pagkatapos ay ang ang bunga” “una ang usbong, sakay ang uhay, pagkatapos ay ang uhay na hitik sa butil” (Marcos 4:28). Ganito eksakto kung ano ang pahayag ng Biblia sa para sa atin.TKK 227.3

    Walang palagiang sakdal na pagkakasunod-sunod o maliwanag na pagkakaisa sa mga Kasulatan. Ang mga himala ni Cristo ay hindi ibinigay sa eksaktong pagkakasunod-sunod, sa halip ay ibinigay batay sa mga kalagayang nangyari, na nanawagan para sa ganitong paghahayag ng kapangyarihan ni Cristo. Ang mga katotohanan ng Biblia ay gaya ng perlas na natatago. Kailangan itong hanapin, hukayin ng may masidhing pagsisikap. Silang tumitingin lamang sa mababaw na pagtanaw ng Kasulatan, na taglay ang mababaw na pagkaunawang iniisip nila ay napakalalim, ay nagsasalita ng mga pagkakasalungat ng Kasulatan, at hindi tinatanggap ang awtoridad ng mga Kasulatan. Ngunit yaong ang kanilang mga puso ay kasang-ayon ng katotohanan at tungkulin ay sasaliksin ang Kasulatan na may pusong handang tumanggap ng banal na pagkakilala.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, pp. 19,20 .TKK 227.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents