Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tagapagbigay ng Isang Bagong Buhay, Enero 16

    Sumagot si Jesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa iyo, malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng DiyosJuan 3:5,TKK 22.1

    Upang mapaglingkuran ang Diyos nang katanggap-tanggap, kailangan nating “ipanganak na muli.” Ang mga likas nating ugali, na salungat sa Espiritu ng Diyos, ay dapat iwaksi. Dapat tayong mging mga bagong lalaki't babae kay Cristo Jesus. Ang ating luma at dinabagong buhay ay kailangang magbigay-daan sa isang bagong buhay—isang buhay na puno ng pagmamahal, ng tiwala, ng kusang pagsunod. Sa palagay mo ba'y hindi na kailangan ang ganitong pagbabago sa pagpasok sa kaharian ng Diyos? Pakinggan n'yo ang sinabi ng Kamahalan ng kalangitan: “Kailangang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7). “Malibang kayo'y magbago at maging tulad sa mga bata, kailanma'y hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Malibang mangyari ang pagbabago, hindi natin mapapaglingkuran nang tama ang Diyos. Magiging depektibo ang ating gawain; maipapasok ang mga makalupang panukala; maihahandog ang kakaibang apoy na lumalapastangan sa Diyos. Magiging hindi banal at hindi masaya ang ating buhay, puno ng kabalisahan at problema.TKK 22.2

    Ang pagbabago ng puso na kinakatawanan ng bagong kapanganakan ay maaari lamang mangyari sa pamamagitan ng mabisang paggawa ng Banal na Espiritu. Ito lamang ang makapaglilinis sa atin sa lahat ng karumihan. Kung pahihintulutan itong hulmahin at hubugin ang ating mga puso, makikilala natin ang likas ng kaharian ng Diyos, at makikita ang pangangailangan sa pagbabagong dapat mangyari bago makapasok sa kahariang ito. Nilalabanan ng pagmamataas at pagmamahal sa sarili ang Espiritu ng Diyos; ang bawat likas na hilig ng kaluluwa ay kontra sa pagbabago mula sa pagpapahalaga sa sarili at pagmamalaki tungo sa kaamuan at kapakumbabaan ni Cristo. Pero kung gusto nating maglakbay sa landas na patungo sa buhay na walang-hanggan, huwag dapat tayong makinig sa bulong ng ating sarili. Sa pagpapakumbaba at pagsisisi, kailangan nating magsumamo sa ating Ama sa langit na, “Lumalang Ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos; at muli Mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko” (Awit 51:10). Habang tumatanggap tayo ng banal na liwanag, at nakikipagtulungan sa mga makalangit na katalinuhan, ipinapanganak tayong muli, pinalaya mula sa karumihan ng kasalanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo.TKK 22.3

    Dumating si Cristo sa ating daigdig dahil nakita Niyang naiwala ng mga tao ang larawan at likas ng Diyos. Nakita Niyang sila ay lumayo mula sa landas ng kapayapaan at kadalisayan, at kung pababayaan sa kanilang sarili, hindi na sila makababalik pa. Dumating Siya na may dalang lubos at ganap na kaligtasan, upang gawing pusong laman ang ating mga pusong bato, upang baguhin ang ating mga makasalanang likas sa Kanyang larawan, upang sa pamamagitan ng pagiging kabahagi ng banal na likas, puwede tayong maiangkop para sa mga bulwagan ng kalangitan.— THE YOUTH’S INSTRUCTOR, September 9,1897.TKK 22.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents