Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Katuwaan, Marso 4

    Ako'y magpapasalamat sa Panginoon nang buong puso ko; aking sasabihin sa lahat ang kahanga-hangang mga gawa Mo. Ako'y magagalak at magsasaya sa lyo. O Kataas-taasan, ako'y aawit ng pagpuri sa pangalan Mo. Awit 9:1,2.TKK 71.1

    Kailangan nating magkaroon ng higit pang pananampalataya. Simulan nating manampalataya tungo sa kaligtasan. Lumapit tayo sa Diyos sa pananampalataya, na lubusang nakatitiyak na habang isinusuko natin ang lahat sa Kanya, gagawin Niyang kagaya ni Cristo ang ating karakter. Kailangan nating sabihin ito sa lahat nang paulit-ulit. Pagkatapos, dahil kaisa ni Cristo, maaari natin Siyang maihayag sa sanlibutan. Sa gayo'y matitigil ang lahat ng pasumpung-sumpong at palambang nating gawain.TKK 71.2

    Parangalan natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng matibay na pananampalataya at di-natitinag na pagtitiwala. Tandaan natin na hindi Siya naluluwalhati ng pagpapakita ng nababalisa at malungkuting espiritu. Pinangangalagaan ng Diyos ang mga bulaklak. Binibigyan Niya ang mga ito ng kagandahan at bango. Hindi ba Niya tayo mas higit na bibigyan ng bango ng masayahing kalooban? Hindi ba Niya tayo isasauli sa banal na larawan? Kung gayo'y magkaroon tayo ng pananampalataya sa Kanya. Ngayon, ngayon na mismo ay ilagay natin ang ating sarili sa kalagayang maibibigay Niya sa atin ang Kanyang Banal na Espiritu. Sa gayo'y maibibigay natin sa sanlibutan ang isang kapahayagan kung anong ginagawa ng tunay na relihiyon sa mga lalaki at babae. Ang katuwaan ng Tagapagligtas na pumupuno sa ating mga puso ay nagbibigay sa atin ng kapayapaan at pagtitiwalang tumutulak sa atin na sabihing, “Alam ko na ang aking Manunubos ay nabubuhay” (Job 19:25).TKK 71.3

    Sa Kanyang Salita ay nilinaw ng Panginoon na ang Kanyang bayan ay isang masayahing bayan. Ang tunay na pananampalataya ay itinataas ang kamay nito at humahawak sa Isang nasa likod ng pangakong “Magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak” (Isaias 54:13). “Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, Ako'y magbibigay ng kapayapaan sa kanya na parang isang ilog” (Isaias 66:12). “Aking nililikha ang Jerusalem na isang kagalakan, at ang kanyang bayan na isang kaluguran” (Isaias 65:18). Sa Diyos ay maaari tayong “nagagalak na may galak na hindi maipaliwanag at puspos ng kaluwalhatian” (1 Pedro 1:8). “Ang mga tao nawa ay pagpalain sa pamamagitan Niya, at tawagin Siyang mapalad ng lahat ng mga bansa” (Awit 72:17). Sikapin nating turuan ang mga mananampalataya na magalak sa Panginoon. Ang espiritwal na katuwaan ay bunga ng aktibong pananampalataya. Kailangang maging puspos ng pananampalataya at ng Banal na Espiritu ang bayan ng Diyos. Sa gayo'y maluluwalhati Siya sa kanila.— BIBLE TRAINING SCHOOL, April 1,1905 .TKK 71.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents