Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinabanal Ngunit Nagkakasala Pa Rin, Pebrero 27

    Subalit kayo ay nakay Cristo Jesus, na naging karunungan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan, at katubusan, upang ayon sa nasusulat, “Ang nagmamalaki ay ipagmalaki ang Panginoon, 1 Corinto 1:30, 31,TKK 65.1

    Dito mismo'y maaari nating makita ang kaibahan ng tunay at huwad na pagpapabanal. Ang pagpapabanal ay hindi binubuo ng pagsasabi at pagtuturo lamang ng Salita ng Diyos, kundi ng pamumuhay nang kaayon ng Kanyang kalooban. Silang nagsasabing walang-kasalanan, at ipinagmamayabang ang kanilang pagpapabanal, ay buong tiwala sa sarili, at hindi nakikita ang kanilang panganib. Isinasandig nila ang kanilang kaluluwa sa palagay na dahil naranasan na raw nang minsan ang nagpapabanal na kapangyarihan ng Diyos, wala na raw silang panganib na magkasala pa. Samantalang sinasabi nilang sila'y mayaman, at naging mariwasa, at hindi nangangailangan ng anuman, hindi nila alam na sila'y aba, kahabag-habag, dukha, bulag at hubad (Apocalipsis 3:17).TKK 65.2

    Pero yung mga tunay na napabanal ay may pagkadama sa sarili nilang kahinaan. Dama ang kanilang pangangailangan, pupunta sila para sa liwanag at biyaya at kalakasan kay Jesus, na pinaninirahan ng buong kapuspusan, at Siya lamang makapagbibigay ng lahat nilang pangangailangan. Alam ang sarili nilang mga kapintasan, nagsisikap silang maging higit na katulad ni Cristo, at mabuhay ayon sa mga prinsipyo ng Kanyang banal na kautusan. Ang patuloy na pagkadamang ito ng kawalang-kaya ay magdadala sa gayong lubusang pagdepende sa Diyos anupa't maihahalimbawa ang Kanyang Espiritu sa kanila. Mabubuksan ang mga kayamanan ng langit para tustusan ang mga pangangailangan ng bawat kaluluwang nagugutom at nauuhaw. Lahat ng may ganitong katangian ay may katiyakan na makikita nila balang araw ang kaluwalhatian ng kahariang iyon na sa ngayon ay bahagya pa lamang mahagip ng imahinasyon.TKK 65.3

    Yung mga nakadama ng nagpapabanal at bumabagong kapangyarihan ng Diyos ay hindi dapat mahulog sa mapanganib na kamalian ng pag-iisip na sila'y walang-kasalanan, na naabot na nila ang pinakamataas na kalagayan ng kasakdalan, at hindi na maaabot pa ng tukso. Ang pamantayang dapat laging panatilihin ng Kristiyano sa harapan niya ay ang kalinisan at kagandahan ng karakter ni Cristo. Sa bawat araw ay puwede siyang magsuot ng mga bagong kagandahan, at ipakita pa nang higit at lalo pang higit sa sanlibutan ang banal na larawan.—THE BIBLE ECHO, February 21,1898.TKK 65.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents