Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Enero—Ang Pagdating ng Espiritu

    Ang Pangakong Espiritu, Enero 1

    “At hihingin Ko sa Ama, at kayo'y bibigyan Niya ng isa pang Mang-aaliw, upang makasama ninyo Siya magpakailanman” Juan 14:16.TKK 7.1

    Noonog ibigay ni Cristo sa Kanyang mga alagad ang pangakong Espiritu, papalapit na Siya sa pagtatapos ng Kanyang ministeryo sa lupa. Nakatayo Siya sa anino ng krus nang may buong pagkilala sa bigat ng kasalanan na mapapasan sa Kanya bilang Tagapagdala ng Kasalanan. Bago ihandog ang Kanyang sarili bilang sakripisyong iaalay, tinuruan Niya ang Kanyang mga alagad tungkol sa pinakamahalaga at kumpletong regalo na Kanyang ibibigay sa Kanyang mga tagasunod—ang regalong maglalapit ng walang-sukat na kayamanan ng Kanyang biyaya sa abot-kamay nila.TKK 7.2

    “At hihingin Ko sa Ama,” sabi Niya, “at kayo'y bibigyan Niya ng isa pang Mang-aaliw, upang makasama ninyo Siya magpakailanman. Ito ang Espiritu ng katotohanan na hindi kayang tanggapin ng sanlibutan; sapagkat Siya'y hindi nito nakikita o nakikilala man. Siya'y nakikilala ninyo, sapagkat Siya'y nananatiling kasama ninyo at Siya ay mapapasa inyo” (Juan 14:16, 17). Nakaturo ang Tagapagligtas sa panahong darating ang Banal na Espiritu para gampanan ang isang makapangyarihang gawain bilang Kanyang kinatawan. Ang kasamaan na natitipon sa loob ng maraming siglo ay lalabanan sa pamamagitan ng banal na kapangyarihan ng Espiritu Santo. . . .TKK 7.3

    Hindi nalilimitahan ang pangakong Banal na Espiritu sa anumang kapanahunan o sa anumang lahi. Sinabi ni Cristo na ang banal na impluwensiya ng Kanyang Espiritu ay sasa-Kanyang mga tagasunod hanggang sa katapusan. Mula noong araw ng Pentecostes hanggang sa kasalukuyan, isinusugo ang Mang-aaliw sa lahat ng lubusang nagpasakop ng kanilang sarili sa Panginoon at sa Kanyang serbisyo. Sa lahat ng tumanggap kay Cristo bilang personal na Tagapagligtas, dumating ang Banal na Espiritu bilang tagapayo, tagapagpabanal, gabay, at saksi. Habang lumalakad ang mga mananampalataya nang mas malapit kasama ang Diyos, mas malinaw at mas makapangyarihan din silang nagpatotoo sa pagmamahal ng kanilang Manunubos at sa Kanyang nagliligtas na biyaya. Ang mga lalaki't babae na tumanggap ng malaking takal ng presensiya ng Espiritu sa kanilang buhay sa gitna ng mahabang kapanahunan ng pag-uusig at kahirapan ay tumayo bilang mga tanda at kababalaghan sa sanlibutan. Sa harap ng mga anghel at ng mga tao inihayag nila ang bumabagong kapangyarihan ng tumutubos na pag-ibig.— THE ACTS of THE APOSTLES, pp. 47-49.TKK 7.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents