Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Putik sa Kamay ng Magpapalayok, Pebrero 5

    At ang sisidlan na kanyang ginagawa mula sa luwad ay nasira sa kamay ng magpapalayok, at muli niya itong ginawa upang maging panibagong sisidlan, ayon sa ikinasiya na gawin ng magpapalayok. Pagkatapos ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na sinasabi, “O sambahayan ng Israel, hindi Ko ba magagawa sa inyo ang gaya ng ginawa ng magpapalayok na ito? sabi ng Panginoon. Gaya ng putik sa kamay ng magpapalayok, gayon kayo sa kamay Ko, O sambahayan ng Israel,” Jeremias 18:4-6.TKK 43.1

    Ibinababa ko ang aking panulat at itinataas ang aking kaluluwa sa pananalangin, na nawa'y hingahan ng Panginoon ang bayan Niyang tumalikod, na parang mga tuyong buto, para sila'y mabuhay. Malapit na ang wakas, dumarating sa atin nang panakaw, hindi namamalayan, at walang-ingay, katulad ng maingat na paghakbang ng magnanakaw sa gabi upang biglain ang mga natutulog na di-alisto at hindi handa. Loobin nawa ng Panginoon na dalhin ang Kanyang Banal na Espiritu sa mga pusong ngayo'y relaks, para hindi na sila natutulog na gaya ng iba, kundi manatiling handa at magpakatino (1 Tesalonica 5:6).TKK 43.2

    Sino ang papayag kahit ngayon, pagkatapos sayangin ang napakalaking bahagi ng kanyang buhay, na isuko ang kanyang kagustuhan na gaya ng putik sa mga kamay ng Magpapalayok, at makipagtulungan sa Diyos sa pagiging sisidlang ikararangal na hinuhulma sa Kanyang mga kamay? O paano ba dapat ang putik sa kamay ng Magpapalayok, gaano kahandang tumanggap ng mga banal na impresyon, nakatayo sa maliliwanag na sinag ng katuwiran. Walang mga makalupa at makasariling motibo ang dapat na hayaang mabuhay, sapagkat kapag binigyan mo sila ng lugar, hindi ka mahuhubog sa banal na larawan. Ang Espiritu ng katotohanan ang nagpapabanal sa kaluluwa.TKK 43.3

    Kapag naunawaan ang laki ng gawaing ito, bibihagin nito pati ang mga pagiisip na sumunod kay Cristo. Hindi ito kaya ng sarili nating pagkaunawa, pero ganon nga ang mangyayari rito. Kung gayo'y karunungan ba para sa atin ang umasa sa sarili nating mga gawa? Dapat nating bayaang gumawa ang Diyos para sa atin. May lumilitaw bang kahusayan sa ating karakter o pag-uugali? Galing ba ito sa mga taong may-hangganan? Hindi; lahat ito'y galing sa Diyos, na siyang dakilang sentro o kapahayagan ng kapangyarihan ng magpapalayok sa putik.TKK 43.4

    O, sana'y magising yung mga pinagpala ng Panginoon ng mga kayamanan ng katotohanan at sabihin mula sa puso na, “Panginoon, ano po ang gusto Mong gawin ko?” (Gawa 9:6). Nadaragdagan ang liwanag para tanglawan ang bawat kaluluwang magkakalat ng liwanag sa iba.— THE GENERAL CONFERENCE DAILY BULLETIN, February 4,1893 .TKK 43.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents