Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kailangan ang Espiritu sa Pag-unawa ng Katotohanan, Abril 2

    “Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa amin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagkat sinisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, maging ang malalalim na mga bagay ng Diyos.” 1 Corinto 2:10.TKK 101.1

    May malaking gawain na kailangang tapusin para sa kapanahunang ito, at hindi natin nakikilala kung ano ang nakahandang gawin ng Panginoon para sa Kanyang bayan. Nagsasalita tayo tungkol sa mensahe ng unang anghel at ng ikalawang anghel, at iniisip natin na mayroon tayong kaunting pagkaunawa ng mensahe ng ikatlong anghel; ngunit hindi tayo dapat na nasisiyahan sa kasalukuyan nating nalalaman. Ang ating mga kahilingan, na sinamahan ng pananampalataya at pagsisisi, ay dapat na umakyat sa Diyos, para sa pagkaunawa sa mga hiwaga na ihahayag ng Diyos sa Kanyang mga banal. Dapat tayong magkaroon ng pagkaunawa na malibang turuan tayo ng Banal na Espiritu, hindi tayo magkakaroon ng tamang pagkaintindi sa Biblia; sapagkat ito'y saradong aklat maging sa mga matatalino, na pantas sa sarili nilang pagmamapuri.TKK 101.2

    Sinasadya ni Jesus ang Kanyang sinabi noong tinuruan Niya ang Kanyang mga alagad na “saliksikin ninyo ang mga kasulatan.” Nangangahulugan ang pagsasaliksik ng paghahambing sa kasulatan sa iba pang kasulatan, ng mga bagay na espiritwal sa mga bagay na espiritwal. Dapat tayong magsaliksik para sa nakatagong kayamanan na nasa ilalim, gaya ng mangangalakal na naghahanap para sa mahahalagang mga perlas. Magiging gantimpala ng nagsasaliksik para sa katotohanan ang liwanag, dakilang kaliwanagan.TKK 101.3

    Marami ang hindi nagsanay sa kanilang mga kakayahang mental, at walang karanasan sa pag-unat sa sukdulan ng kanilang kakayahan upang matutuhan kung ano ang katotohanan. Hindi maaaring maibuhos sa inyo ang Banal na Espiritu malibang makadama kayo ng pangangailangan, at maging higit na nagnanasa sa pagbaba nito kaysa sa kasalukuyan ninyong kalagayan. Kailangang maunawaan ninyo na nabubuhay kayo sa mga bukana ng walang hanggang sanlibutan, na darating na si Cristo, at nagaganyak ang buong kalangitan sa gawain na nagpapatuloy na naghahanda sa isang bayan para sa Kanyang pagdating.TKK 101.4

    Kung may isang bayan na kailangang tumupad sa payo ng Saksing Tapat sa iglesya ng Laodicea na magsikap at magsisi sa harapan ng Diyos, ito na ang bayang nabuksan sa kanilang harapan ang mga mahahalagang katotohanan para kapanahunang ito, at hindi nabuhay sang-ayon sa kanilang matataas na pagkakataon at pananagutan. Malaki ang nawala sa atin sa hindi pagsasakabuhayan sa liwanag ng banal na katotohanan na inaangkin nating pinaniniwalaan.— REVIEW AND HERALD, June 4,1889.TKK 101.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents