Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents

Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

 - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Ang Isipan Ay Binago, Pebrero 11

    Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos. Roma 12:2.TKK 49.1

    Ang bahagi na kailangang gampanan ng tao sa kaligtasan ng kaluluwa ay ang manampalataya kay Jesu-Cristo bilang perpektong Manunubos, hindi para sa kung sinong iba pang tao, kundi para sa kanyang sarili. Dapat siyang magtiwala, magmahal, at matakot sa Diyos ng langit. May tiyak na gawaing dapat maisagawa. Kailangang mailigtas ang tao sa kapangyarihan ng kasalanan. Kailangan siyang gawing ganap sa bawat mabuting gawa (Hebreo 13:21). Nasa paggawa sa mga sinabi ni Cristo ang tangi niyang katiyakan na ang kanyang bahay ay nakatayo nga sa matibay na pundasyon. Ang makinig, magsalita, mangaral, at hindi naman ginagawa ang mga sinabi ni Cristo ay pagtatayo sa buhanginan.TKK 49.2

    Yung mga gumagawa sa mga sinabi ni Cristo ay magpapakasanay ng Kristiyanong karakter, dahil ang kalooban ni Cristo ang siya nilang kalooban. Sa gayo'y nabubuo sa loob si Cristo, na siyang pag-asa sa kaluwalhatian. Kanilang inaaninag, na para bang sa salamin, ang kaluwalhatian ng Diyos. Sa paglalagay natin kay Cristo bilang sentro ng ating pagbubulay-bulay, Siya'y magiging paksa ng ating pakikipag-usap; at sa pamamagitan ng pagtingin, tayo talaga'y nababago sa ganon ding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sa pamamagitan nga ng Espiritu ng Panginoon (Colosas 1:27; 2 Corinto 3:18). Ang tao, ang nagkasalang tao, ay maaaring mabago sa pamamagitan ng pagpapanibago ng pag-iisip, upang kanyang “mapatunayan kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos” (Roma 12:3). Paano niya pinatutunayan ito? Sa pamamagitan ng pagsakop ng Banal na Espiritu sa kanyang pag-iisip, espiritu, puso, at karakter. Saan papasok ang pagpapatunay? “Sapagkat kami ay naging panoorin ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao” (1 Corinto 4:9).TKK 49.3

    Ginagawa ng Banal na Espiritu ang isang tunay na gawain sa karakter ng tao, at nakikita ang mga bunga nito; kung paanong magbubunga ng mabuting prutas ang mabuting puno, gayundin naman ang punong nakatanim talaga sa hardin ng Panginoon ay magkakaroon ng mabuting bunga tungo sa buhay na walang-hanggan. Napapanagumpayan ang mga umaatakeng kasalanan; ang masasamang pag-iisip ay hindi pinahihintulutan sa isipan; ang masasamang ugali ay nililinis sa templo ng kaluluwa. Ang mga hilig, na nakakiling sa maling direksyon, ay naibabaling sa tamang direksyon. Ang mga maling ugali at damdamin ay binubunot. Mga banal na kalooban at pinabanal na emosyon ang siya ngayong ibinubunga ng Kristiyanong puno. Isang buong pagbabago ang nangyari. Ito ang gawaing dapat maisagawa.— ELDER E.P. DANIELS AND THE FRESNO CHURCH, pp. 8, 9 .TKK 49.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents